13

5K 107 49
                                    

Sugar Daddy

I'm excited! Maaga pa lamang ay bumangon na ako at naghanda para sa unang araw ko sa klase bilang first year nursing student sa Lorma Colleges.

Kahit medyo late ako ng ilang araw sa enrolment ay tinanggap pa rin nila ako. Salamat kay Sir Eurus.

My alacrity to study and finish my program is one way of becoming a responsible individual. Whenever there's an opportunity...grab it. I am thirsty for a college diploma.

“Zia, ipapaalam mo pa ba kay Miss lilipat ka na sa maliit na bahay?” tanong ni Esme.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili at handa na ako sa pagpasok. Ngunit bago ako pumasok, ililipat ko muna ang ilang gamit ko sa uupahan kong maliit na apartment na nirentahan ko, kahapon lang.

Kung mananatili ako rito sa staff house habang nag-aaral, baka ma distract ako. Isa pa, unfair sa resort. Tsaka lamang ako mananatili rito kung oras n ng trabaho ko. Kailangan kong paghirapan ang bawat ginhawa na matatamasa ko.

“Oo, Esme...”

Ang alam lang ni Miss Olivia ay ang pagta trabaho ko habang nag-aaral. Hindi naman siya tumutol doon. Binigyan niya na rin ako ng schedule kung kailan ang shift ko. Kahit papaano naman pala ay may puso siya... Hindi nga lang buo.

Naupo si Esme sa kama ko. Tumaas ng bahagya ang kilay ko nang tingnan niya ako ng makahulugan. Ito na naman po siya...

“Kamusta kayo ni Sir Eurus? Kayo na ba? Mahal mo na ba?” gumuhit ang ngisi sa labi niya.

Tamad ko siyang inirapan. Umiling-iling ako at ipinagpatuloy ang pag-ayos ng aking mga gamit. Hindi ko maintindihan pero...unti-unti nawawala ang inis ko kay Sir Eurus. Marahil, mula sa mga magagandang bagay na ipinapakita niya? I don't really understand the wholeness of it.

“Hala...hindi nagsasalita! Kwento naman, Zia! Ano? Ano na?!” aniya sa karibok na tinig.

Pinakawalan ko ang hangin sa baga ko. Humarap ako sa kaniya na may simpleng emosyon. “Walang kami, Esme. Hindi kami aabot tulad ng iniisip...at gusto mo.”

Subalit lalo lamang lumaki ang ngisi sa labi niya. Tumayo siya sa kama at tinapatan ang tindig ko. Tumabingi ang ulo niya.

“Ikwento mo sa kauna-unahang tao na bumiyak ng buko.” sabi niya bago tumawa ng malakas.

Gaga talaga. Inilingan ko ito.

Nasa ganoon kaming tagpo nang makarinig ng magkakasunod na katok mula sa pinto. Kumunot ang noo ko. Si Esme nama'y parang batang excited sa pag-uwi ng ina nang lapitan ang pinto at pagbuksan ang kung sino...

Tumungo ng bahagya ang ulo ni Esme pagkakita sa kumakatok. “Good morning po, Sir Eurus...”

Anong ginagawa niya? Wala naman kaming usapan ngayon...

“Hmm...morning.”

I held my breath when he suddenly walked towards my direction. Hindi nakaligtas sa isipan ko na purihin siya sa kasuotan ngayon.

His plain white long sleeves polo that's folded up to his elbow looks seductive with his black jeans and a pair of black loafers. His clean cut hair looks good on him, too.

Bumalik ako sa ulirat nang tumikhim siya. Pinatak ko ang mata ko sa suot na puting sapatos. I rolled my eyes on my mind when Esme absconded!

“Ready for school?”

“Anong ginagawa mo rito?” I asked in an undertone.

He held my chin. Uminit ang pisngi ko nang bigla niyang ibaba ang mukha kapantay ng mukha ko. Like a blazing clouds, his lips landed on my lips. It was a slow and gentle kiss...

The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon