24

4.1K 86 4
                                    

Support


Mag a-alas dos y media na ng hapon nang makarating kami sa Maynila. Nasa Taguig kami. Pinatuloy niya ako sa condo niya. Matagal tagal na raw simula ng huli siya manatili rito kaya pag dating namin, naglinis pa siya. Hindi pa siya tapos kaya nilapitan ko na upang tumulong.

"Tulungan na kita, Sir Ion..."

Tumingin siya sa akin habang nagtatali ng itim na garbage bag. "No, Zia. You stay on my bed and get some rest."

Ngumiti ako at umiling. "Hayaan mo na ako tumulong, Sir. Pinatuloy mo na ako rito. Dito man lang ay...makabawi ako."

Inilapag niya sa sahig ang garbage bag. Tumayo siya ng tuwid sa aking harapan. Bumuntonghininga ito. "You've been doing your job for months there. You're exhausted, I know. You and your body need rest."

"Sir, kasi—"

"This is my place. My rules. And I want you to negotiate...I only have one rule now." seryosong aniya, hinaplos ang buhok ko.

Nakatingin lang ako rito at nakikinig.

"Do not do household chores."

Ngumuso ako. Nahulog ang mata ko sa maputing sahig. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Nakakahiya naman kung ganoon ang gagawin ko habang nakikitira sa condo niya.

Muli ko siya na rinig na bumuntonghininga. Pinulot niya muli ang itim na garbage bag. "Now that you are with me, I don't want you to exhaust yourself. Leave everything to me. You...You regain yourself." seryosong aniya.

Pinanood ko siyang maglakad palapit sa pinto. Lumabas siya bitbit ang garbage bag. Hindi ko alam kung saan niya itatapon iyon... Wala sa sariling tumango ako at bumuga ng hangin.

Naglakad ako palapit sa nakasaradong fiber glass na pinto ng kaniyang veranda. Sumalubong sa mukha ko ang panghapong hangin. Sumabog ang aking buhok sa mukha.

Pinadaan ko ang aking daliri sa malamig na guardrails. Mapait akong ngumiti nang pagmasdan ko ang kalakhang Maynila mula sa mataas na palapag.

Malayo na ako... Pero ang puso ko ay tila naiwan sa La Union. Ang isip ko, hinahanap pa rin siya. Inaalala.

Alam kong hinahanap niya pa rin ako sa mga oras na ito. Hindi ko binalak na ipaalam sa kaniya ang kalagayan ko. Wala siyang alam. Tama naman ang ginawa ko, hindi ba? Hindi ako tumakas. Gusto ko lang makapa simula muli kasama ang biyaya na nasa sinapupunan ko. Ang paglayo ay isang paraan upang makapag simula ng panibagong buhay... Ginawa ko lang kung anong dapat.

Tumingala ako sa asul na kalangitan. Ang puti at tumpok na ulap doon ay nagbigay ng dahilan upang pangiliran ako ng luha... Mapait akong napangiti.

Darating ang araw na titigil ka rin sa paghahanap sa akin. Balang araw ay susukuan mo rin ako. Makakalimutan mo kung paano mo ako minahal, Eurus. Makakahanap ka rin ng iba. Magmamahal ka ulit ng iba. Ang gaya ko ay hindi nararapat sa'yo...

"Ngunit ako... Hindi ako hihinto na mahalin ka. Kahit nasa malayo ka pa. Kahit nasa piling ka na ng iba..." bulong ko sa hangin at mabilis na pinunasan ang takas na luha.

Dumausos pababa ang palad ko sa aking tiyan. Ang batang ito ay magiging inspirasyon ko habang nabubuhay dito sa magulong mundo. Siya ang ang magiging sandata at lakas ko laban sa karahasan. Palalakihin ko siya ng mabuti. Magiging mabuti siyang bata paglaki. Higit sa lahat, mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal ko sa ama niya...

"Hey, you alright? Here..."

Nanlalambot akong bumangon mula sa aking pagkakahiga sa kama. Isinandal ko ang likod ko sa headboard at tinanggap ang binigay niyang baso ng tubig.

The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon