25

4.3K 92 6
                                    

Ala-ala



Sa nakalipas na tatlong buwan na hindi ko na nakikita o nakakausap si Eurus parang pinupukpok ang dibdib ko. Ang utak ko...gabi- gabi na lang bumabalik sa kung saan ko siya iniwan. Walang gabi na hindi ko siya napapanaginipan...Walang araw na hindi ko iniisip kung kamusta na rin siya.

Iniisip ko kung...ako kaya? Hinahanap niya pa rin kaya ako hanggang ngayon? O tinanggap niya na lang na hindi na ako babalik?

Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Mapait ang naging pagngiti ko. Ni isang bituin ay wala. Ni isang ningning ay wala. Walang buhay ang gabi...

Malamig ang hanging dumampi sa mukha ko nang ipikit ko ang aking mata. Dumaloy ang mainit at saganang likido mula roon.

Nangungulila ako... Gusto ko siya makita at mayakap. Gusto ko siyang makasama. Ngunit hindi na puwede. Hindi ko puwedeng gawin.

Hinaplos ko ang maumbok ko ng tiyan. Halos manginig ang kamay ko nang maramdaman ang init nito. Baby...

"You should be resting, Zia... Gabi na." mula sa likod ko'y narinig ko ang malamig na boses ni Sir Ion.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Natulala iyon sa siyudad. Kahit anong pilit kong  huwag umiyak, hindi ko magawa.

"Crying again?" alalang aniya nang lapitan ako.

Naramdaman ko ang telang ipinatong niya sa balikat ko... Bahagya ko siyang nilingon na nasa gilid ko. Bumuntonghininga ito. Tumingin din siya sa malayo.

"You can go back if you miss him..." seryosong aniya.

Pinunasan ko ang luha ko. Umiling ako. "Ayoko... Hindi ako bagay sa mundo niya. Magiging lamat lamang ako sa paningin niya..."

Tiningnan niya ako.

Mapait akong ngumiti. "Ang laki ng kasalanan ng ama ko sa kanila... At hindi ko alam kung saan pa ako hahanap ng dignidad para bawiin ang kahihiyan idinulot niya sa ibang tao."

Ngayon ko pa lamang napo proseso sa isipan ko ang bagay-bagay. Tama sila sa pagpapa mukha sa akin. Wala akong karapatan mamuhi sa kanila dahil sa ginawa nila sa ama ko. Kung susundin ko ang puso ko na bumalik kay Eurus, para ko na rin pinatunayan na wala akong hiya.

Ayoko na bumalik sa kaniya. Ayoko na makita pa siya. Paulit-ulit lamang akong mako konsensya. Ipapa alala ko lamang sa kaniya at sa pamilya niya ang krimen na ginawa ng ama ko. Isa pa'y hindi ako nababagay sa mundo na ginagalawan nila...

Hindi ko na ipipilit muli ang sarili ko sa buhay na hindi naman para sa akin. Mayaman sa mayaman. Mahirap sa mahirap. Kailangan ko na ito tanggapin.

"It's not your fault, Zia. Huwag mo akuin ang kasalanan ng tatay mo..."

"Isipin mo na lang... Kung mananatili ako roon, ano na lang ang mararamdaman nila sa tuwing makikita ako? Ako na anak ng isang kriminal!" hindi ko na nakontrol ang sarili.

Humarap siya sa akin na burado ang emosyon. Umigting ang kaniyang panga.

Nanginginig ang kamay kong itinuro ang sarili ko. "Sa ginawa niya ay ako ang nahihirapan...A-Ako. Buong buhay ko, palagi kong iniisip na kasalanan ng mga Variejo ang pagkasira ng pamilya namin. Pinalago ko 'yong muhi at galit sa kanila... Kahit hindi naman dapat."

At noong nalaman ko ang totoong naganap, lahat ng hiya sa katawan ko ay nawala. Nadungisan ang natatanging pagkatao ko dahil sa kawalan ng nalalaman...

"Ang hirap para sa akin ngayon na buuin ang sarili ko... Sirang-sira ang pagkatao ko. Dahil sa limitadong nalalaman..."

Napapailing akong bumaling sa kalangitan. Sinabayan ko ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.

The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon