Despise
ΠPI▲E. A∧∧EΓIANXE. ϕOPTITY▲E
Pride. Allegiance. Fortitude... Basa ko sa isip habang sinusunson ng daliri ko ang bawat isang letra at symbolo ng isang pahina. Ang VRB Incorporation. Sa ilalim nito ay iyon ang makikita. Sa ilalim niyon, na roon din ang kahulugan.
Bumagsak ang luha mula sa mga mata ko. Ramdam ko ang kapangyarihan sa mga salitang iyon...
Sa halip na nagpapahinga na ako, heto ako't pilit isinisiksik sa isipan na isa nga siyang Variejo. Isa siya sa mga taong dapat kong kamuhian. Kalaban ko siya. Mula siya sa pamilyang sumira ng pamilya ko.
Nanlumo akong lubos...
Dahil sa simpleng folder na binigay ni Olivia sa akin kanina, marami pa akong nalaman tungkol sa lalaking pinagkatiwalaan ko.
Nanginig ang baba ako.
Ramdam ko ang patuloy na pag-agos ng luha sa aking pisngi. Ang kamay ko'y nanginginig habang hawak ang folder. Dumausos ako sa malamig na sahig...
Nakakapanghina. Hindi ko matanggap. Hindi ko makuhang paniwalaan ang lahat ng ito.
Pakiramdam ko ay tinatabunan ako ng buhay. Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi gumagana ng maayos ang isipan ko.
Ang buong akala ko ay isa siyang simpleng bisita ng resort at boyfriend ni Miss Olivia.
Only to find out that.. He is more than that. He is way more than just a guest to where I am working.
My teeth gritted... His family owned this Thunderbird Resorts and Hotel as well. Yes. I was fooled by his grace. Hindi totoo na sina Mr. & Mrs. Perez ang may-ari.
Ang dibdib ko'y tuluyan ng nabasag sa napagtanto... Palabas lamang ang lahat ng ito? Everyone on that resort is under control? By a Variejo? Miski ako...
Alam nila lahat na naroon na sina Eurus ang may-ari ng resort. Kahit si Esme. Ngunit ni isa walang nagsabi sa akin na hindi sina Olivia ang totoong may-ari!
He controlled everything...
Nanlalabo ang aking mga matang inilipat pa ang pahina. Muli akong niyakap ng kirot nang mabasa ang pangalan ng mga magulang niya. At pangalan ng mga kapatid niya...
Throne Gabriel Variejo. Daraga Isabel Alviejo. Creon Azlan Variejo. Dungeon Elixor Variejo... Napapalibutan na pala ako ng mga Variejo ngunit wala akong kaalaam-alam!
Plinano mo ba ang lahat ng ito, Eurus? Pati ako, kinontrol mo? Anong dahilan mo!
Now, it all makes sense... Everything makes sense.
Hindi na kinaya ng utak kong ipasok ang iba pang impormasyon tungkol kay Eurus. Pigil ang hikbi kong binitawan ang folder. Mabigat ang loob kong isinubsob ang mukha sa gilid ng kama.
Tahimik akong lumuha...Dinamdam lahat ng sakit dulot ng pagkabigo. Lalo akong na saktan nang bumalik sa ala-ala ko ang magagandang bagay na ginawa niya para sa akin.
How can I still love you when I already knew that you're an enemy? Sa isiping iyon, humagulgol ako. Walang lakas kong hinampas ang ibabaw ng aking kama.
Pinagmukha akong tanga, Ma... Hindi ko na napigilang humagulgol habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng aking ina.
Gusto na bumigay ng puso ko. Ng katawan ko. Ng isip ko. Pinagtatabuyan ako ng aking ama. Binalak akong lasunin ni Esme. Sinampal ako ni Olivia ng katotohanan. Pinagmukha akong tanga ni Eurus...
Sinisi ko rin ang sarili. Bakit ang bilis kong maniwala sa iba? Sa mga nakikita ko? Bakit...hindi ko agad nakita kung ano ang katotohanan sa kasinungalingan? Bakit ang hina ko?
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...