10

5.3K 118 11
                                    

Landing

Tinanaw ko mula sa lobby ang dalawang limousine na itim na pumapasok sa malawak na entrada ng Thunderbird Resorts. Sa likurang ng mga ito ay may tatlo pang kasunod. Hiace vans.

Nabanggit ba sa amin na may darating na bigating bisita ngayong umaga? Pumilipit ang leeg ko sa lalaking biglang tumikhim sa gilid ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Sir Eurus iyon. Tatlong linggo ko siyang hindi nakita ni nakausap matapos ng huli naming usapan. Hindi ko alam kung saan siya naglagi ng mga araw na iyon...at! Wala akong pakialam sa presensya niya.

Pasimple kong sinipat ang suot niya. He's wearing a black v-neck tees na tinernohan ng faded jeans. Tumaas ng bahagya ang kilay ko sa buhok niyang maayos ang pagkakahawi. Bakit ang gwapo mong lintek ka?

Tumuwid ako sa pagkakatayo nang naramdaman ang mariin niyang pagtitig sa akon. Humigpit ang pagkaka hawak ko sa mga bagong laba na puting tuwalya.

"Put that back to where you got that, Zia. And...come with me instead." malamig niyang pag-uutos sa akin.

Inirapan ko siya sa sinabi. Makapag-utos akala mo siya ang boss? Inilingan ko lamang siya.

Tatalikuran ko na sana siya kaya lang ay mabilis niyang nahatak ang braso ko! Nagtagpo ang mga kilay ko. Luminga-linga ako sa paligid. Mabuti't ang mga guests ay nasa seaside!

"Ano bang problema mo? What do you still need, Sir?" kulang na lang ay mangalas ang ngipin ko sa sobrang pagpipigil ng inis.

Pailalim niya akong tiningnan. Halos lumabas ang ugat sa leeg niya.

"I just want you to come with me...and leave your goddamn work."

Marahas kong binawi ang braso ko mula sa hawak niya. Mabigat ang paghinga ko habang nakatingin sa kaniya. Nangangatog ang tuhod ko. Pakiramdam ko ay sinisilaban ang internal organs ko sa paraan niya ng pagtingin sa akin.

"You can't just bestowed orders. Binabayaran ako ng "resort" dahil sa trabaho ko." ngumisi ako sa kaniya. "Hindi "ikaw". Stop acting like a perfect boss."

Dumilim ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin. Hindi rin nakaligtas ng paglalagay niya ng galit sa kaniyang kamao.

"Sana pala ay hindi ka muna nagpakita rito o...sa akin...kung wala kang ibang gagawin kundi ang umasta na akala mo ikaw ang may-ari ng resort." umirap ako sa kaniya bago siya lampasan.

Mabuti naman ay hindi na siya nagtangkang habulin pa ako. Nang pumatak ang tanghali, naging maingay sa bawat parte ng mga resorts.

Halos magkagulo ang mga staffs sa pari rito't paro roon. Marahil ay dahil sa mga, sa tingin ko, bigating bisita na biglang dumating kaninang umaga.

Para silang inatake ng missile sa sobrang pagka aligaga. Hindi na magkaintindihan sa mga ginagawa nila. Ni hindi na magawang makapagsalita ng matiwasay.

Hindi ko maiwan ang aking ginagawa. Gusto ko makilala ang mga panauhin ngunit masiyado akong tinambakan ng trabaho sa housekeeping department.

"Esme!" tawag ko sa kaibigan nang mapadaan siya sa department, nagmamadali.

Malaki ang ngiti sa mukha niya. Nakakapanibago rin ang aliwalas sa kaniyang mukha.

"Nandito ka pala, Zia. Mamaya na tayo mag-usap. Napaka busy namin sa presidential suite, e."

"Sino bang...dumating? Artista?" hula ko.

Tumawa siya ng mahina at umiling. "Okay sana kung ganoon nga. E, hindi."

Bumalakat ang kalituhan sa mukha ko."Huh? E, sino?"

Kumibit ang balikat niya. “Na rito sina Mr. and Mrs. Perez. Kasama si Sir Creon Azlan,”

The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon