Checkpoint
Pakiramdam ko ay may isang manipis na ako na nasa harapan ko. Pinapanood ako na lumuha ng walang humpay. Tila ba naaawa siya sa akin kalagayan... Ang malamig na hangin na dumapo sa pisngi ko'y tila palad niya at pinupunasan ang likido sa mata ko. Bagay na lalong nagpaluha sa akin...
Bakit ba ang hirap kilalanin ng katotohanan sa kasinungalingan kapag binulag ng pag-ibig ang tao? Sumasaya tayo sa kasinungalingan? Nasasaktan sa katotohanan? Ang alam ko, bilang tao, tunay na kasiyahan ang hinahangad. Kalayaan maging masaya habang nabubuhay. Ngunit talaga yatang sa bawat ngiti...may kapalit na pighati.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin... Mapait ang naging pag ngiti ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Ngunit hindi ko puwede kalimutan ang bata sa sinapupunan ko. Hindi niya dapat maramdaman ang hirap.
Dumausos muli ang luha sa pisngi ko...dalawang linggo na ang nakalipas matapos ng komprontasyon sa suite na iyon. Ngunit hanggang ngayo'y masakit pa rin... Sariwa pa rin ang sugat.
Kung bakit kasi hindi ako naniwala sa pakiramdam ko noon na isa siyang Variejo. Kaya ganoon na lamang siya kung umasta. Bakit hindi ko agad nalaman doon pa lang sa gusto akong patalsikin ni Olivia rito sa resort ngunit hindi niya magawa... Si Euros pa rin pala ang masusunod.
Nanikip ang dibdib ko... Kaya pala noon pa man, malakas na ang loob niya na lapitan ako. Ilabas basta at samahan siya. Kasi sila ang may-ari ng pinagta trabahuhan namin. Bakit ba ang tanga ko! Napakatanga mo, Zia. Dapat ka lang masaktan nang matuto ka.
Magkakasunod na katok mula sa bagong pinto ang nagpa tahan sa akin. Pinunasan ko ang pisngi ko. Kumunot ang noo ko sandali. Tumitig ako sa nakasarado na pinto. Naglalakad palapit doon.
Wala akong maalala na may sinabihan ako ng bago kong apartment. Kaya paano ako magkakaroon ng bisita? Nagdalawang isip ako kung pagbubuksan ko ba.
Pinili kong manatiling tahimik... Bigla nagsalita ang tao sa likod ng pintuan.
"Zia, it's Ion. Open up."
Ion? Si Sir Ion Montrejar? Paano niya nalaman kung na saan ako? Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Kapag nalaman nito na narito ako, maaari iyon makaabot kay Eurus. Ayoko...
"Don't worry... I'm alone. I know what happened last time. I am here to help you. Please, trust me." seryosong aniya.
Hindi pa rin ako sumagot. Upang makasiguro na wala siyang kasama, sumilip ako sa maliit na bintana. Naaninag ko nga si Sir Ion. Nagsasabi siya ng totoo...
Kumatok siya muli. "Zia, I know you're there. Come on... Let me in."
Bumuntonghininga ko. Hindi ako nito titigilan hangga't hindi nangyayari ang gusto niya. Hinawakan ko ang doorknob. Ang lamig nito'y nakadagdag sa paninikip ng dibdib ko.
"Anong kailangan mo, Sir? Paano mo ako nahanap?" pambungad na tanong ko pagbukas ng pinto.
Wala ni isang emosyon siyang ipinakita sa akin. Kay lamig ng mata niya. Hindi ko mabasa kung ano ang alin.
"Can I come?" seryosong tanong niya.
Mababaw akong tumango. Iginilid ko ang aking sarili upang makaraan siya. Isinarado ko muli ang pinto. Naglakad ako pabalik sa maliit na sala. Naroon na siya sa gawa sa kahoy na upuan, bahagyang nakabuka ang hita habang nakaupo. Nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang tuhod.
"Sir, ano pong ginagawa niyo rito?" halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko dala ng pag iyak.
Nagpakawala siya ng hangin. Umigting ang panga niya habang ako ay tinititigan. "You can't stay in a place like this, Zia."
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...