4

6.1K 186 14
                                    

Locked

“Elejorde, may dalaw ka.”

Umayos ako ng pagkakaupo sa silya habang hinihintay na maupo sa tapat ko si papa. Nakailang hugot na ako ng hininga. Pinagsamang kaba at lungkot ang aking nararamdaman. Sinabihan na niya akong huwag mag pupunta rito pero ito pa rin ako.

Mabuti at pinayagan akong mag-off kaya nakalabas ako sa resort para dumalaw sa ama ko. Binilihan ko siya ng mga pagkain at damit na kailangan niya habang nasa loob.

Halos manlumo ako nang makita ang tumatanda at napapagod na mukha ng aking ama. Walang emosyon ang mata niyang tumingin sa akin. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Zia? Hindi ba't sinabi ko—”

Hindi nito natapos ang sinasabi nang tumayo ako't niyakap siya ng mahigpit. Mabilis na dumausos ang aking luha pababa sa aking pisngi. “Huwag mo na akong itaboy p-pa. Miss na miss na kita.” Emosyonal kong sambit.

Bahagya niya akong itulak palayo, nag-iwas ng tingin. “Bumalik ka na sa kung na saan ka ngayon. Kaya ko sarili ko rito.”

Pinunasan ko ang aking luha't isinandal ang ulo sa dibdib niya. But I cried even more. “Hayaan mo na po akong dalawin ka, papa.”

Muli, inilayo niya ako sa kaniya. Tumayo ito at tinalikuran ako. Bago pa ako nito iwanan, tumayo rin ako't yumakap sa likod niya. Buong higpit siyang niyakap mula sa likod.

“I'm sorry kung wala po akong magawa para mailabas ka rito, papa. I-I'm sorry if I failed to study in college. I'm sorry i-if I can't be your defender.” In doldrums, I whispered.

“Humingi ka ng tawad kung wala kang ginawa para sa mga bagay na gusto mo mangyari. Huwag kang hihingi ng tawad kung alam mong may kakayahan ka pang gawin ang mga bagay na posible pang mangyari.” He implied then left me.

Bago umalis ay ihinabilin ko sa isang police na ibigay sa aking ama ang mga pagkain at damit dala ko. Sumulyap pa ako sa kaniyang selda bago tuluyang lumabas ng istasyon.

Sunod kong dinalaw ang ina ko sa sementeryo. Sinindihan ko ang kandila at inilapag ang binili kong bulaklak sa ibabaw ng lapida niya. Naupo ako sa damuhan at tumitig sa kaniyang pangalan. Bumalik sa akin ang ilang ala-ala.

“Look, mama! I've got five stars!” I showed her my wrist with a stamp of five stars which I got from my teacher Aida.

Ngumiti si mama at pinisil ang aking pisngi. “Anong achievement 'yan, 'nak?”

I giggled. “Teacher Aida instructed us to create something magical—like something full of lights. Then I draw a circuit!” Proudly, I told her.

She laughed. “Wow, ang galing naman ng anak ko. E, bakit iyon ang iginuhit mo? Mahirap 'yon, ah?”

Ngumiti ako kay mama. “Because, mama, someday, I want to become an electrical engineer.”

Ginulo-gulo nito ang aking buhok. “Kung gano'n, magsisimula na si mama at papa na mag-ipon para sa iyong kolehiyo. Yey! May engineer na si mama!” At ikinulong niya ako sa bisig niya bago pinugpog ng halik sa buong mukha.

A bitter smile crept on my lips upon remembering that scene on my head. I apologized for not continuing my dream career. Hindi ako nakapag-kolehiyo dahil mas kailangan magtrabaho upang tulungan ang sarili ko. Hindi ako nakapag-aral sa gusto kong kurso dahil salat na salat ako.

Niyakap ko ang aking tuhod at doon umiyak nang umiyak, animo'y nagsusumbong. “I'm sorry, mama. Sorry if I disappoint you.”

Pumapasok sa isip ko na tapusin ang buhay ko kapag nalulugmok ako. Kapag nararamdaman ko ang espirito ng kalungkutan. Bigla-bigla, tutulo ang luha ko't iisipin na kung mamamatay ako, tapos na ang problema at mga isipin ko.

The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon