Poison
Hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol sa mga Variejo. Hindi niya iyon kilala. Hindi niya ako lubusang maiintindihan.
Pagkatapos naming kumain sa Olive's, inanyayahan niya akong uuwi na sa apartment ko. Gaya nang sinabi niya, doon daw siya matutulog. Ulit.
"Magre-review ka lang ba?" tanong nito habang nagmamaneho.
Ngumuso ako at umiling. "Truth is... I need to draw a human body and label its parts accordingly and clearly..." dismayado kong usal.
Nilingon niya ako saglit. Ibinalik din sa daan ang mata. "What's wrong?"
Humalukipkip ako. "Hindi ako marunong mag-drawing, Eurus. Ni hindi ko nga kayang iguhit ng diretso ang simpleng straight line kahit may ruler na!"
Tanda ko noong elementary ako. Sinabi ng teacher na gumuhit ng mga hugis gamit ang ruler. Kailangan daw ay tuwid. Medyo nainsulto ako sa kaniya! I do not know how to handle a ruler, yet she wants me to do draw using it. Like, hey? Tanga lang?
Eurus soft chuckled echoed on my ear. My brow arched at him. I do not understand myself anymore. Sometimes, I want to hear his chuckles. Oftentimes, I do not want to.
Hindi ko na lang siya pinansin. Isinandal ko ang gilid ng ulo ko sa bintana at pumikit. Agad akong nakaramdam ng antok...
Mumunting ungol ang nilikha ng aking labi. I did not open my eyes. I am craving for more sleep, God. Please, don't wake me up.
"Sleepy head..." dinig kong bulong ng kung sino sa aking tenga hanggang sa naramdaman ko ang mainit at malambot na bagay na lumapat sa aking noo.
Dahil doon, unti-unti kong binuksan ang aking mata. Nag-aalala ako na baka may ibang nakapasok sa apartment!
"O-Oh..." I realized that Eurus is with me. Stupid, Zia. "Binuhat mo ba ako...papasok?"
Nakaupo ito sa gilid ng kama at bahagyang nakaharap sa akin. Seryoso ang mata niyang titig sa akin. When I looked into it... I lost.
"Yup..."
Ngumuso ako. "Bakit hindi ko naramdaman man lang? Dapat ginising mo na lang ako... Nabigatan ka pa tuloy."
He chuckled...
"You rest, hmm? I'll be the one to do your activity." he leaned and pressed his lips to mine.
"You sure?" Gusto ko sana idugtong na may pag-aaralan pa ako. Kaya lang masiyado na akong antok para mag-aral. Bukas na lang.
"Certainly."
Tumayo na siya. Lumakad siya patungo sa lalagyan ko ng mga school supplies na binili namin noong isang araw lang. Nasa maliit na mesa lang iyon. Walang upuan kaya kailangan niya maupo sa sahig. Kumuha siya ng oslo paper, pencil, ruler at naghanda na rin ng eraser at tech-pen pati felt tip pen.
Kinagat ko ang labi ko upang pigilang mapangiti sa nakikita...
Ngayon ay binuhay niya ang maliit na lampshade at itinutok sa oslo paper na pagdo-drawing-an niya. Itinaas niya ang sleeves ng suot niyang polo bago nagsimulang gumuhit.
"Psst..." sitsit ko na ikinalingon niya.
His thick black brows furrowed. His eyes asked.
I smiled and mouthed, "Thank you..."
He just nodded. Ibinalik niya na ulit ang atensyon sa ginagawa. Sungit.
Hindi rin nagtagal ay muli akong dinagit ng antok...
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...