35

5.1K 113 22
                                    

Wedding




Nakarinig pa ako ng isang putok mula sa malayo. Iniyuko ko ang aking ulo at tinakpan ang tainga. Sa takot na baka mataman ako. 






Nawala na sa paningin ko sina Ion. Subalit ako'y nananatiling nakasalampak sa buhangin. Sinubukan ko tumayo ngunit hindi ko magawa. Mali ang tapak ng paa ko kanina dala ng biglaang pagbagsak. Gayunpaman, nagpapasalamat ako kay Lauren dahil iniligtas niya ako.





Para sa akin ang mga bala na sinalo ng katawan niya. Ako dapat ang nasa peligro at naghihingalo. Ngunit dahil sa kaniyang kabutihan...ligtas ako.








I tried to move again so I could leave the place. It's just so hard! Fuck, not my feet!







"Ma'am, Ma'am...Tulungan ko na po kayo. " hindi ko napansin ang paglapit ni Alex sa gaan ng presensya niya.








Dahan-dahan niya akong inalalayan patayo. Dumaing ako nang kumirot ang hinlalaki sa paa ko. Doon napuruhan at sa sakong. Kumapit ako ng mahigpit sa braso niya upang hindi matumba. 








"Si Dana? Okay lang ba siya, huh?" Nag-aalalang tanong ko.








Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mabilis niyang pagkukubli ng baril sa likod ng kaniyang pantalon. Alam kong natural lamang na magkarga siya ng ganoon dahil bodyguard siya. Sadyang hindi lang ako sanay.








"Opo, Ma'am. Kasama ni Andrew sa suite. Sa ngayon, Ma'am, mas mabuting ihatid na muna kita sa—"







"Get your hands off her, Alex."







Magkasabay namin nilingon ni Alex ang may ari ng baritono at malamig na boses mula sa kung saan. Kumunot ang noo ko. At nang mapagtantong si Eurus ang may ari ng boses, tumahip agad ang dibdib ko. Dahilan para matulala ako ng bahagya sa kaniya habang naglalakad palapit. Madilim ang mata at may kaonting pawis sa noo.







Saan siya galing? Medyo hingal pa siya.







"Sir Eurus...Dadalhin ko lang si Ma'am sa suite nila. Hindi po maganda ang pagbagsak nito kanina kaya ngayo'y hirap kung lumakad." paliwanag ni Alex nang makalapit sa amin si Eurus.







Hindi roon natuon ang atensyon ko. Kundi sa kalibreng hawak ni Eurus. Gaya ng ginawa ni Alex, ikinubli niya iyon sa kaniyang likod. Dinukot niya ang cellphone niya at may kinausap doon. Nasa akin ang paningin niya habang ginagawa iyon. Hindi ko rin tinanggal ang paningin ko sa kaniya.






Bakit may karga siya noon?







"Block the perimeter... Don't let him escape." The veins in his biceps throb. His voice is authoritative even though he's gasping for air.






Iyon lamang at tinapos na nito ang tawag. Binawi niya ako mula sa kay Alex pagkatago ng phone niya. Abo't-abot ang pintig ng puso ko nang bigla niya akong buhatin, in a bridal style. Wala akong nagawa kundi ang igapos ang kamay sa leeg niya at muli siyang titigan. 







Sa pagtama ng mga balat namin, nakalimutan ko ang dinadaing ko. Tumitibok ang ugat sa dibdib ko, sa leeg, at maging sa hita! Damn it.







"I'll take care of her...Help my men to capture the gunman." makapangyarihan ani Eurus.







"Copy, Sir." Tumingin sa akin si Alex at tumango ng mababaw. "Maiwan ko muna kayo, Ma'am...Sir Eurus." aniya. 





The Furious Fire (Variejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon