Talk
I was in my uncomic state when I step in our suite after that seemingly bloodbath meet and short conversation at Olive's restaurant.
Verdana is now on her dreamland. Alas dose na kasi ng gabi. Hanggang ngayo'y hindi pa ako kinakain ng antok. Nakasandal ang aking likod sa ulo ng kama at natutulala sa puting kurtina na hinahangin...
Kinagat ko ang aking labi nang maalala ang mukha ni Eurus. His brusque and toughened character frame setback my breathing. From the bottom of my heart, I feel like every muscles that surround it wants to fulminate.
I know I shouldn't feel this way but damn! He's turned to impeccably monochromatic kind of a man! And I...hate it. I feel like a scared running rabbit. Damn it.
To make it fairly, I don't think I am capable of exchanging habits. Ako ang umalis. Ako ang nagtago. Ako ang may kasalanan. Masisisi niya ba ako? Iniisip ko pa lang na sukdulan ang galit niya sa akin ngayon, parang lumalambot na na ang bawat buto sa katawan ko.
Ipinilig ko ang aking ulo bago mariing pumikit. Nang makuha ang kaonting preskong hangin ay umalis ako sa kama't hinagilap ang sleeping pills. Agad ko iyon nakita sa bag kong dala.
For years, I still don't know if I have or had the good sleep I need every night. I have a sleeping problem which Ion do not know up until now. Hanggaʼt maaari ay ayokong ipaalam dahil may paraan naman para makatulog ako. Sleeping pills.
Marami ang tumtakbo sa isip ko. Sa bawat gabi...iyon at iyon lang ang inaalala ko. I ain't crying or being emotional. Basta iniisip ko lang sila at bigla bigla kong mararamdaman na parang walang laman ang puso ko. Guguluhin nila ang utak ko hanggang sa tumakbo ang oras...hindi nila ako papatulugin. Hindi nila ako pinagpapahinga ng natural. So I need a sleep sedatives...
Isang katok mula sa labas ng suite ang unti-unting nagpadilat ng aking mata. My eyes were welcomed by a golden sun rays passing through the thick glass of a veranda. Kinusot ko ang aking mga mata bago nilingon ang katabing kama... There, I saw my daughter, stilled on her dreamland.
I carefully bring myself closer to her side as to plant a soft good morning kiss on her forehead. Umalis na ako sa kama at inayos ang sarili bago pagbuksan ang maagap na tao sa likod ng pinto.
Halos taasan ko ng kilay si Andrew, who's in his black t-top and faded jeans. Nakasuot pa ito ng itim na salamin.
"Hm?" I shortly greeted.
"Breakfast's ready, Ma'am. Sir Ion called early today," he answered in a low lazy drawl.
"And?" humalukipkip ako at tinagilid ang ulo. Hinahanap ko si Alex sa likod niya pero wala.
"Baka raw po hindi na siya makasama mamayang gabi sa association. Abala na raw po siya sa Barcelona at may pupuntahan pa sa Palma..." he informed.
Nagpanagpo na nga ang aking kilay dahil doon. Hindi ko na alam kung tuwid pa ba ang hilatsa ng aking noo dahil dito. But he promised, right? Shoot. Kung ganoon ay...mag isa kong pakikisamahan ang mga taga Pax Variejo Casino?
Ang nasabing association ay gaganapin mamayang gabi, bandang alas siete, ayon sa invitation na natanggap ko via electronic mail. Sa cruise ship iyon magaganap, pag-aari ng VRB Cruise line which is under Variejo business!
Ngayon pa lang ay para na akong lalagnatin. Bukod kay Alex at Andrew, wala akong iba pang kilala roon. Hindi naman ako puwedeng sumalig kay Eurus!
"Ah..." I trailed off, scratches my nape. "Alright! That's no big deal, anyhow. You're with me, right?"
Tumango ito at pinagdais ang dalawang bruskong braso sa harapan niya. "Yes, Ma'am. Sir Ion told us to never let our sight off you."
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...