No more
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ginagawang bahay-paaralan ni Eurus ang pagpunta sa Manila at pabalik dito sa La Union. Gamit ang chopper, nagagawa niya iyon. Sabi ko nga dapat mag-stay siya muna sa condo niya roon sa Manila lalo ngayon na abala siya sa trabaho. Tumanggi siya. Gusto niya raw palagi kami makita ni Dana kaya mas gusto niya umuwi.
Tulad ngayon, nasa Manila si Eurus. Maaga siyang umalis dahil may meeting daw ang board members. Naiwan ako rito sa La Union. Paniguradong abala na siya sa trabaho. Kaya naisipan ko na puntahan siya sa VRB Company ngayong araw. Pero maya-maya pa.
"Hija, bakit hindi ka sumabay kay Israel papunta sa Manila mamaya? Doon din ang kaniyang tuloy ngayon..." Ani Mommy Isabel habang naggugupit ng pangit na tubo ng halaman.
Nasa malawak na garden kami ngayon. Kung nasaan din ang outdoor swimming pool. Nakaupo ako sa wooden bench habang pinapanood si Dana na maligo roon kasama sina Ysa at Tali. Si Mommy Isabel ay nagha halaman.
"Israel po?" Hindi ako sigurado kung sino ang tinutukoy niya.
Tinapos niya ang paggupit bago tumayo. Inilapag nito ang ginamit na pruning shears sa gilid ng halamanan, kalapit ng inupuan ko. Nagpagpag siya ng kamay. Lumapit siya sa akin. Dahil nakaupo ako at siya ay nakatayo na sa harapan ko, bahagya ko siyang tiningala.
"Pinsan ni Eurus. And he lives in the next mansion." She answered, slightly pointing at the gateway.
Tumango ako at ngumiti. Sinulyapan ko sa pool si Dana. Masayang-masaya siya habang kasama ang tiyahin. Lumamlam ang pakiramdam ko.
"Sige po...Kung okay lang din sa kaniya." sagot ko.
"It is, for sure. Maiwan ko muna kayo upang makausap siya." Paalam na nito.
Sinundan ko siya habang naglalakad pabalik sa loob ng masyon. Hanggang sa mawala. Ibinalik ko ang mata kina Dana. Nakita niya ako kaya tinawag niya ako upang samahan silang magtampisaw doon. Umiling ako dahil mamaya ay siguradong aalis na.
Nakausap ko si Israel nang ipakilala ako ni Mommy Isabel. Israel Landon Variejo. Pinsan ni Eurus at ito'y anak ng tito Kyler Rufus Variejo niya. One of the finest Engineer in VRB Company. At gaya ng pamilya ni Eurus, ramdam ko rin sa kaniya ang dominance ng authority and control, ang pagkakakilanlan ng mga Variejo.
"Ikaw na bahala kay Zia. Make sure she's safe," habilin ni Mommy Isabel.
Ngayon ang oras ng pagpunta namin sa Manila. Nasa top hills kami dahil na roon ang chopper ng mga magulang ni Israel na siyang magdadala sa amin sa pupuntahan. Si Israel ang kasama ko at isang piloto. Hinatid lamang ako nina Mommy Isabel at dalawang tauhan nila.
Israel nodded so shallow. He fixes his aviators. "No problem, Tita!"
Sa ingay na nililikha ng rotor blade, halos magsigawan na sila. Hinawakan ko ang aking buhok na buhaghag na sa lakas ng hangin.
"Thank you, then." Bumaling sa akin si Mommy Isabel. "Go now, Zia. We'll take care of Dana."
Tumango ako sa kaniya. Tumalikod na siya kasama ang bodyguards pabalik sa Ranger. Nauna na silang umalis. Napatingin ako kay Israel nang maglahad siya ng kamay sa harapan ko.
"I'll help you hop in," aniya sa mababang tinig.
Tipid na ngiti lang ang isinukli ko rito bago tanggapin ang kamay niya. Inalalayan niya ako pasakay sa chopper nila sa likod bago siya naupo sa cockpit. Maya-maya'y naramdaman ko na ang pag-angat namin mula sa bundok.
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
Любовные романыZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...