Proposal
Hawak ni Dana ang mukha at marahang humahaplos doon. Upang punasan ang luha ko. Nakanguso siya at medyo salubong ang kilay habang ginagawa iyon.
"Who made you cry, Mommy? Po?" inosente niyang tanong. "You're crying every night, po..."
Nananampal na ang gabi. Nakahiga na kami ng anak ko ngayon sa kama. Magkaharapan. Hindi ko na naitago ang emosyon matapos ng usapan namin ni Eurus noong nakaraang hapon. Akala ko ay tatahan ako sa pagsapit ng gabi...lalo lang akong sinaktan dahil sa katahimikan nito. Nakita pa tuloy ng anak ko ang luha ko.
I kissed her forehead. "I'm not crying, anak... Mommy is alright, hmm?"
Pinindot niya ang pisngi ko. "But there are tears, Mommy... You are crying again, Mommy!"
Tumawa lang ako ng mahina bago siya hilahin palapit sa dibdib ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. I let my tears efflux even more, like there's no ending. So I should let myself cry silently...
Be my guest... Parang lumang tugtugin na ayaw kong marinig. Nakakarindi. Ang hirap intindihin kahit anong pilit ko. Ayoko.
Kung matuloy ang pagpapa kasal niya sa iba. At abutan niya ako ng imbitasyon... Iyon ay malugod kong tatanggapin. Hindi ako maghahabol. Hindi ako manggugulo.
I left him. I pushed him away. I caused him a lot of perditions. I took away his pride. I broke him more than refined. See? I am a great burden in his life! A destructive storm.
"Did Sir hurt you, Mom?" Tanong muli ng aking anak.
It's the other way around, anak. I hurt your dad. "No... No, baby. He never did hurt mommy. In fact? He treated me right. He's good!"
"Really?"
Tumingin siya sa akin. Sa mga mata niya, naalala ko si Eurus. Halos walang pinagkaiba ang mga mata nila. At ilong niya'y namana sa akin maging ang labi.
"Yes, baby..." Pinipigilan ko ang humikbi dala ng pananakit ng dibdib. Lalong sumikip nang makita ang lungkot sa mga mata ni Dana habang nakatingala sa akin. Hinalikan ko muli ang noo niya.
Pasensya na, anak. Hindi ko magawang ipakilala ka sa ama mo. Napaka lapit na niya sa'yo. Isang hakbang na lang...
Kung sana lang madaling sabihin kay Eurus ang lahat. Ginawa ko na, noon pa. Kung sana lang walang maaapektuhan... Walang masisira. Walang mawawala.
May mga bagay na sa paningin ng iba, madali lang gawin. Ngunit para sa mga taong nasa sitwasyon, mahirap. May mga tao na ikukumpara ang sitwasyon mo sa sitwasyon nila. Pagtatawanan ka kasi madali lang iyon pero hindi mo nagawa. Samantalang sila, nagawa nila. Nalusutan na nila iyon. Kaya madali lang para sa kanila na kuwestyunin ang kakayahan mo ngayon...
Whenever we make decisions, there are consequences to face. It does not mean that if you choose what others' think the best for us is always wrong. And it does not mean that what we think the best for ourselves is always right as well. Sometimes, ourselves are our main rival when choosing the best decision. But at the end of the day...others opinion doesn't matter if we hold firmly in our chosen decision.
In every wise decision. There is a better outcome. And it always starts with ourselves.
Bandang alas singko ng hapon ng panibagong hapon, kasama sina Andrew at Alex, ipinasyal ko si Dana sa baywalk. Tuwang-tuwa siya habang naglalakad kami. Nadaanan kasi namin ang mga artificial red and yellow tulips flowers.
![](https://img.wattpad.com/cover/273980198-288-k974453.jpg)
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...