Event
Another two years have passed. Just like how the winds felt by seconds. Parang kahapon lang nangyari ang lahat sa ala ala ko... Sa buhay ko. Ang aking anak na noo'y kay liit pa, ngayon kakikitaan ng malaking pagbabago sa pagdaan ng taon. Kay bilis talaga ng panahon.
"By next week, we have to fly back to the Philippines for a certain association." batid ko ang kaonting alinlangan sa boses ni Ion.
Sa nagdaang limang taon, masasabi kong malaki talaga ang naitulong ng pamilya Montrejar sa akin. Natuto talaga ako sa maraming bagay! Sa trabaho, pakikisama, organisasyon. Sa lahat! Kung hindi dahil sa tulong ni Ion, wala ako sa posisyon ko bilang Division Vice President. Ilang taon ko na pinanghahawakan ang titulo na ito...
"Well then, so be it." propesyunal kong sinabi at pinag krus ang kamay sa aking dibdib. "That's least of my problem."
Bumuntonghininga siya bago ipinagpatuloy ang pakikipag usap sa iba pang may posisyon sa kumpanya sa harapan ng panel.
Matagal ko na ihinanda ang sarili sa posibilidad na maaari magtagpo ang landas namin ni Eurus. Ulit. At kahit hindi ni Ion sabihin sa akin, nag-aalala pa rin siya para sa akin at kay Verdana.
Nagliwaliw ang isip ko para sa mga magaganap sa susunod na araw. Hindi ko na napagtuunan maigi ng pansin ang sinasabi ni Ion sa harap.
Next week, we have to go back to the Philippines. The two big casinos that are now thriving in Asia and Europe have a good relationship. And as a grant to the brave rulers, agreed to have a short -term association. It is not yet clear where the specific area is. Pax Variejo Casino will take care of notifying us when we arrive at their stronghold.
Variejo... Si Eurus agad ang naisip ko. Kung magtagpo ang landas namin, na hindi naman malabo, sana ay hindi na maungkat kung ano man naging relasyon namin noon. Trabaho lang.
For sure, he's moved on! Ang tagal na rin noon. Limang taon na... Hindi na ako magugulat kung malaman ko na may pamilya na siya.
"Kung sa tingin mo ay hindi mo pa kaya humarap sa kaniya, puwedeng ako at ang COO na lang ang dumalo roon." si Ion habang naglalakad kami pabalik ng opisina niya.
Ni hindi ko man lang napansin na tapos na ang pagpupulong doon sa sobrang okupado ng utak ko. That Variejo still has an effect on me after all.
Ngumiti ako rito. "This is a work. Don't worry about me, Ion. I'll make sure, this has nothing to do with the past... We'll be professionally inclined."
Pinagmasdan ko ang pagiging mature lalo ng mukha ni Ion. May kaonting bigote ngunit maayos na nakaahit sa kaniyang mukha. Ang katawan at tindig ay lalong pinakatingkad ng awtoridad at katayuan niya sa buhay. He's so intimidating which made him a hot bachelor!
"Zia, I can trust you. But never your ex." his baritone voice filled my head, like he's deeply annoyed with the idea.
Naupo siya sa swivel chair niya. Ipinatong niya ang maskuladong braso sa desk at madilim ang mata nang ako'y titigan. Nasa harapan lang ako ng desk niya at nakahalukipkip.
Ang totoo, hindi namin inaasahan na magkakaroon ng magandang ugnayan ang dalawang kumpanya ng casino. Naaalala ko noon na nagtalo pa ang board members because Pax Variejo Casino dominated that time and they are sort of threatened. Now, I don't understand how well is this? In a snap?
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...