PROLOUGE

19 3 0
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto st ang nakikita ko lang ay puro kahoy na dingding at gawa sa bamboo na bubong. Sinubukan ko namang umupo pero habang ginagawa ko iyon ay lalo lang na sumasakit ang ulo ko

Napatingin ako sa pinto ng bigla na lamang iyon bumukas at bumungad sa akin ang dalawang matandang magasawa na nagaalalang nakatingin sa akin "ayos ka lang ba iha?" tanong ng matandang babae na ikinatango ko kaya para naman syang nabunutan ng tinik

"Alam mo ba kung bakit ka napadpad sa lugar nato?" tanong naman ng asawa nito kaya nagsalita ako "ang totoo po...wala po akong maalala kung ano po ang ginagawa ko rito" magalang na sagot ko kaya nakita ko naman silang nagulat

"Juiceko maryosep kawawang bata" nagaalalang saad ng asawa nitong babae kaya napatingin ako sa kanya. Sinubukan ko naman na alalahanin ang nakaraan ko pero kahit anong pilit ko ay wala na talaga akong maalala atsaka sumasakit lang lalo ang ulo ko

"Ampunin ka na lang namin iha, wala rin naman kaming mga anak na naiwan sa amin kaya okay lang sa amin na tumira ka rito" saad ng matandang lalaki na ikinatango ko na lamang

'sana naman ay maging maayos ang pamumuhay ko at may maalala na ako'

Three years later....

"Magiingat ka roon sa maynila anak ha?" bilin sa akin ni inay kaya nakangiti ko syang tinanguan "opo nay, magiingat po ako" nakangiting sagot ko rito "o sya at baka malate ka pa sumakay ka na ng traysikel, wag mo kaming kalimutang tawagan anak" sambit ni itat kaya sakanya naman nabaling ang nakangiti kong mukha

"Opo tay, hindi ko po yan kakalimutan" saad ko bago sumakay sa traysikel na nakaabang sa akin. Nakita ko pa silang kumaway kaya ganon rin ang ginawa ko

'bagong buhay nanaman ang nagaantay sa akin sa maynila, sana nga lang ay maging maganda ang kapalaran ko roon'

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now