CHAPTER 20: ANALYSIS

5 0 0
                                    

STELLA DEMONICE SMITH'S POV

Nagagagawa ako ngayon ng mga project ko dito sa cubicle ko ng makita ko si Skylar na papunta sa direksyon ko at nakita ko na may hawak itong papel kaya nangunot ang noo ko

"Find this location ASAP" saad nya at iniwan ang papel na hawak nya at umalis narin kaya binitawan ko muna ang screw driver na hawak ko at kinuha ang papel at nagtataka naman ako ng makitang pamilyar ang location na nakalagay rito kaya dahil pamilyar ay hindi ko na lang ito sinearch at sinulat na lang sa baba rin ng papel

Tumayo ako para puntahan ang cubicle ni Skylar at ibigay ang papel pero nung makarating ako roon ay abala sya sa pagtipa sa computer nya at may hinahanap na tao "sino si Archer Craig?" tanong ko at gulat naman syang napalingon sa akin atsaka ako sinamaan ng tingin "tsk non of your business" malamig na saad nya kaya napabusangot ako at pabagsak na inilagay ang papel sa lamesa nya

"Ayan na pakasaya ka" masungit na saad ko at iniwan na sya roon 'sya na nga itong tinulungan ang sungit pa' saad ko sa isipan ko at nakangusong bumalik sa paggawa ng project ko

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Nasa kampo nanaman ako at nakasuot ng uniporme ko dahil kailangan nga ako para sa paguusapan na mission ng grupo ko

Habang naglalakad ako ay nililibot ko ang tingin sa paligid at kinakabisado na ito dahil marami ang nabago sa disenyo at ayos ng mga building rito sa kampo at mukhang marami rin ang nakapasa sa training dahil mas rumami pa ang mga nagtatakbuhang sundalo kesa sa naalala ko noon

"Nandito ka na pala capt" bungad sa akin ni Xavier kaya tinanguan ko na lang ito "parang namiss kitang makita na nakasuot ng ganyan captain" saad naman ni Xenon at tinitigan ang uniporme ko kaya napatawa ako

"Namiss korin ang pagiging sundalo ko Xen" saad ko rito at naupo sa upuan ko kung saan ang pwesto ko bilang captain ng grupo "asan na ang pinapagawa ko sa inyo?" agad na tanong ko kaya inilabas ni Accel ang envelope na naglalaman ng pinagawa ko sa kanila at ibinigay sa akin

"Ayan na capt" saad nya pagkabigay nito at agad ko naman iyong binuksan at binasa lahat ng nakasulat pero tulad ng inaasahan ko ay napakahirap nga talagang kuhanan ng sapat na impormasyon si Archer

Napabuntong hininga na lang ako at hinilot ang sintido ko dahil alam ko na mahihirapan talaga akong kuhanan ang lalaking iyon ng impormasyon "okay ka lang ba capt?" tanong sa akin ni Xenon kaya tinanguan ko na lang ito

"Tara na daw sasabihin na nila yung bagong mission natin" aya sa amin ni Accel pagkapasok pa lang at umalis agad kaya tumayo na ako at sumabay naman sa akin ang iba na nasa likod ko

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga ibang nagkalat na sundalo sa paligid at nakita ko sa mga mata nila ang hanga ng dahil sa mga nakikita nila ngayon

"may mission nanaman ang white tigers group"

"Hmm sigurado akong magagampanan agad nila iyon dahil sila ang pinakamagaling na grupo rito sa kampo"

"Oo nga halos wala yata silang napalpak na mission nila"

"Pero sino kaya yung babae sa unahan?"

"Sya yung leader nila si Sargent Lieutenant Paularina Ellise McCoy-Miller isa sa pinakamahusay at pinakaginagalang na babaeng sundalo rito"

"Teka sya yon?!"

"Oo ang ganda ano?"

"Oo nga ang ganda nya!!"

Rinig kong bulungan ng iba pero nasa harap lang ang atensyon ko at seryoao parin ang mukha pero ramdam ko na nakikipagflirt ang mga kasama ko kaya tumigil ako at sinamaan sila ng tingin kaya napatuwid ang pagtayo nila at seryoso na ang tingin sa harapan

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now