༻𝙲𝙷𝚁𝙸𝚂𝙼𝙰𝚂𝚃 𝚂𝙿𝙴𝙲𝙸𝙰𝙻༺

6 0 0
                                    

A/N: BELATED MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR CHERRIES!!♥️

Christmas came and also the cold winter as the whole gang celebrated it with a smile in their face well not all of them had a smile in the face...

"WAAAAAAHHHHHHHH!!!!" iyak ng isang sanggol na ikinangiwi ng lahat ng nakarinig "shhh Luca please don't cry" Mellisa said pero wala itong naging epekto at lalo pang lumakas ang iyak ng sanggol, frustrated na talagang tignan si Mellisa at ang asawa naman nito ay pachill chill lang na nakaupo at nakadekwatro pa talaga sa couch.

Napatawa ako ng ibigay ni Mellisa ang anak nila sa asawa nito at mas lalo pa iyong lumakas ng dahil sa narinig naming turan nito sa lalaki "you take care of this child Nathaniel ikaw gumawa pangatwiran mo" masungit na saad nito at iniwan nga ang asawa na nakanganga na at pinapatahan ang anak.

Sa aming labing anim si Mellisa at Nathan palang ang may anak ang landi kasi ni Nathan ayan sya ngayon ang mamromroblema sa pagpapatahan ng anak "anak-anak 'di naman pala kaya" rinig kong bulong ni Anna kaya napatawa kaming nakarinig rito samantalang si Nathan naman ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa sobrang busangot nito habang nagpapatahan ng anak nya.

"Ako na nga" pag-aagaw ni Alexandra kay Luca at napatahan nya nga ito "tsk! ayan gawa-gawa di naman pala alam kung paano mag-alaga" iritang saad nya at binigay na ang sanggol na mahimbing na ang tulog kay Mellisa "'yan landi pa more" panggagatong pa ni Skylar rito kaya napanguso na lang ito at narinig ko naman na may binubulong bulong pa na kung anong bagay.

Napailing na lang ako sa mga kaguluhan nila at tumingin sa orasan "6:00"  bulong ko at may anim na oras pa nga kami para makapaghanda sa nalalapit na pasko, naghahanda ako ng mga kakailanganin para sa pagtitimpla ng hot choco ng may naramdaman akong brasong lumingkis sa bewang ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko, sa amoy palang ng pabango alam ko na kung sino 'to.

"Ano nanaman ang kailangan ng malandi kong asawa?" mataray kong tanong rito kaya naramdaman ko ang pagnguso nito at hinalikhalikan pa talaga ang leeg ko kung saan nakalapat ang labi nya "wala gusto ko lang maglambing" saad nya kaya hinayaan ko na lang sya sa kung anong ginagawa nya.

"Pag iyan napunta sa kama wag masyadong maingay ha?" napatingin naman ako sa likuran namin ng marinig ang sinabi ni Stella kaya sinamaan ko ito ng tingin pero ang malantod kong asawa ayon ngumisi pa na parang nakarinig ng magandang plano "subukan mo lang at lalayasan talaga kita" saad ko rito kaya napanguso ito at muling yumakap sa likuran ko.

Dalawang oras ang lumipas ay napatingin ako sa orasan ay 8:00 palang ng gabi at tamang tama narin dahil nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin at since nasa rooftop na ang lahat ng pagkain at nakalagay iyon sa refrigerator roon na nakasaksak at tago ay okay narin at magpapahinga nalang sa ngayon at hintayin ang oras.

"Buti nalang at nakatulog rin yang sanggol mo" saad ni Anna at pinaglalaruan pa ang maliit na kamay nito "mabuti nga at mukhang mahimbing pa talaga" saad ni Mellisa at inilapag muna si Luca sa crib nya rito at sya naman ay napasandal sa couch na kinauupuan nya.

"Mahirap pala maging mommy" saad nya at tumawa pa kaya napailing nalang kami "tsk! sa susunod na gumawa kayo ng bata siguraduhin na kayang magalaga ha?" sungit na saad ni Elloisa kaya napatawa kaming lahat at si Mellisa naman ay nakangusong tumango at si Nathan ay napabusangot.

"Gawa rin tayo" rinig kong bulong ng katabi ko kaya binatukan ko ito na kinadaing nya "t*nga sige ikaw manganak kala mo naman madali lang manganak" saad ko kaya nakanguso na nyang hinihimas ang parte ng ulo nyang binatukan ko.

"WAHHHHH!!!!" napatingin kami sa crib ni Luca ng ngumawa nanaman ito at sabay sabay na bumuntong hininga dahil nagising na ang bata na kanikanina lang ay tulog pa "ano ba yan kanikanina lang yan pinatulog tapos umiiyak nanaman" rinig naming reklamo ni Amanda kaya napatawa na lang ako ng mahina.

Sa sobrang tahimik ng gabi ay hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami at nagising lang ng tumunog ang malaking orasan dito na nagsasabing 11 PM na kaya agad agad kaming kumilos para ihanda ang sarili at saktong 11:30 kami natapos kaya umakyat na kami sa taas at inihanda na nga ang mga upuan at lamesa pati narin ang mga pagkain.

"11:56 na!!" matinis na sigaw ni Mellisa kaya napatawa kami nandito rin ang anak nya at mabuti naman at hindi na ito nagiingay pa kasi mahimbing talaga ang tulog nito.

"10!"
.
.
.
.
.
.
.
"9!"
.
.
.
.
.
.
.
"8!"
.
.
.
.
.
.
.
"7!"
.
.
.
.
.
.
.
"6!"
.
.
.
.
.
.
.
"5!"
.
.
.
.
.
.
.
"4!"
.
.
.
.
.
.
.
"3!"
.
.
.
.
.
.
.
"2!"
.
.
.
.
.
.
.
"1!"
.
.
.
.
.
.
.
"MERRY CHRISTMAS!!!!!!!" kasabay ng pagsigaw namin niyon ay ang makulay na putukan ng fireworks na makikita sa kalangitan at madami rin kaming nakikita na mga taong nagkakasiyahan sa labas ng mga bahay nila at katulad namin ay nagtatawanan at masayang magkakasama.

Kumakain na kami ngayon at napangiwi naman ako ng hindi mapakalma ni Nathan ang umiiyak na anak nito, nagising kasi si Luca nung pumutok ang mga fireworks kaya ayon hirap nanaman syang patulugin ang bata.

"Eto lang gawin mo para tumahimik yan" saad ni Angel at binigay sa kanya ang maligamgam na chocolate milk na nakalagay na sa milk bottle ni Luca kaya agad naman nya iyong kinuha at pinadede kay Luca at para syang nabunutan ng tinik ng inumin iyon ni Luca.

1 month na si Luca kaya pwede na syang padedehen sa milk bottle saka di naman nagbrebreastfeed si Mellisa kasi wala syang gatas HAHAHA!

Nakatanaw lang ako rito malapit sa dulo ng rooftop namin habang nainom ng wine at pinapanoodan ang kalangitan na sobrang kulay dahil sa mga fireworks, maya maya pa ay naramdaman ko na may yumakap sa akin at bumulong sa tenga ko na ikinangiti ko.

"Merry Christmas Mrs. Miller" bulong ni Kyle na dahilan ng pagngiti ko "Merry Christmas to you too Mr. Miller" ngiting saad ko rin at isinandal ang ulo sa dibdib nya. Dahan dahan naman nya akong pinaharap sa kanya at inubos ang pwesto sa pagitan namin.

Kasabay nga ng paghalik nya sa akin ang isa nanamang malakas na pagsabog ng fireworks kaya napangiti ako at tinugunan narin ang halik nya.

'this is another memorable Christmas day for me that I'll cherish forever'

Made: January 3, 2022

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now