CHAPTER 29: TRAINING PT. 3

4 0 0
                                    

AMANDA CASSANDRA KUNNE'S POV

Panibagong araw, panibagong pageensayo nanaman ang gagawin namin at hindi talaga kami titigil hanggat hindi sinasabi ni Paula. May kakaiba rin akong napapansin sa mga anak ko eh lalo na kay Arrow dahil lagi nalang nasa malayo ang tingin, tulad ngayon nasa malayo nanaman ang tingin nya.

"Arrow" pagtawag ko rito kaya mabilis na napabaling sya sa akin at ako naman ay tinaasan sya ng kilay dahil umaakto nanaman sya na parang isang walang kamuwang muwang na bata, "ano ba ang laging nakakakuha ng atensyon mo at parating nasa malayo ang tingin mo?" takang tanong ko pero umiling lang sya na parang pagsinabi nya ay malalagot sya.

"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong ako pa mismo ang aalam" pagbabanta ko rito at tumango naman sya, "balik na sa pageensayo" saad ko at ginulo ang buhok nya bago sya tinalikuran at naglakad papalayo. Isa nanamang araw na mageensayo kami para mas lalong maging alerto sa magiging laban kung sakaling gustong sumugod ng mga kalaban ni Paula at kung sakaling gusto nyang sugurin ang mga ito.

Habang nakaupo nga ako rito sa gilid ay napapansin ko na sa iba nakapokus ang atensyon ni Arrow kaya nangunot ang noo ko, "ano nanaman ba ang nakakakuha ng atensyon nitong batang to?" bulong ko sa sarili at tinitigan rin ang diresyon kung saan sya nakatingin.

Nanliit ang mga mata ko ng makita na ang anak nila Satou at Alexandra ang tinititigan nitong magaling kong anak, napatayo naman ako at pumunta sa direksyon nila kaya naramdaman kong napatigil sa pakikipaglaban si Arrow sa kaharap nya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin.

"Alexandra" tawag ko rito kaya naman napatingin ito sa akin "pakibantayan anak mo may nagnanakaw ng tingin pa naman dyan di kalayuan" saad ko sa kanya kaya nagtataka nya akong tinignan. "Ahh...sige" saad nya at ngumiti pa pero halata naman roon na nagtataka parin sya.

Tinignan ko naman si Yanna Daisy Mitsuzuki ang anak nilang dalawa, maganda sya at kahit bata pa ay litaw na ito manang mana sa nanay ang itsura pero parehas ng kulay ng buhok sa ama nya. "Hmm" tanging saad ko pero nginitian nya rin ako ng may pagkakataka, "paglaki mo kung may umaaligid na lalaking nagngangalang Arrow Lucifer Tamura sayo sipain mo agad" saad ko kaya napakurap kurap sya bago pilit na tumango.

Bumalik naman ako sa dating pwesto ko at nginisihan si Arrow na masama na ang tingin sa akin, "eyes on front palaso kung ayaw mong ako ang lumaban sayo" pangaasar ko pa rito kaya napapitik ang dila nya at nagseryoso na nga sa laban nya.

Ha! I will always win in a fight between me and my children.

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Nagpapatawa naman ang mga kasama ko rito sa tent dahil sa nakikitang inaasar nanaman ni Paula ang anak nyang lalaki na si Arrow, "HAHAHA! she really like to tease her son" natatawang saad ni Mellisa na ikinatango naming dalawa ni Anna.

"Bakit pala hindi sumasama si Amelianna sa training?" tanong ko kay Anna "busy raw sya" kibit balikat nyang sagot kaya napa-'ahh' nalang ako. Ilang minuto pa ay natapos na nga ang pageensayo ng mga bata, well ang mga bata muna ang inensayo namin para mas maging malakas sila at para maprotekta nila ang sarili and I can say their are really improving every day.

Pinunasan ko naman ang likod ni Christian habang iniinom nya ang tubig sa water bottle nya na inabot ko pa sa kanya, "there" saad ko pagkatapos kong lagyan ng panyo ang likod nito "ma hindi na ako bata para rito" saad nya at halata namang naiinis sya pero hindi ko iyon pinansin.

"As a part-time doctor alam kong masama sa kalusugan ang natutuyuan ng pawis kaya tumahimik ka riyan Christian Blaze Miller" saad ko ap kaya napatango nalang sya. Lumapit naman sa akin si Christine kaya sya naman ang pinunasan ko ang likod at parehas sa kuya nya nilagyan ko rin ng panyo ang likuran nya.

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now