A/N: THIS CHAPTER WILL ALL BE ABOUT PAULARINA'S PAST WITH ARCHER, PARA NAMAN ALAM NATIN KUNG PAANO NAGSIMULA ANG PAGKAKAIBIGAN NILA AT KUNG PAANO ITO NAGWAKAS.
PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV
Nakaupo lang ako sa isang gilid kung saan hindi ako masyadong makikita ng ibang tao dahil napapalibutan rin ako ng mga taong matatangkad. Abala silang lahat na naguusap at isa iyong malaking tulong para 'di nila ako mapansin.
Kaarawan ko ngayon kaya madaming dumalo na bisita nila mama at papa, nasa dulo lang ako at nakatingin sa dress na suot ko ng maramdaman king may tumabi sa akin kaya tinignan ko iyon at nakita ko ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay 2 taon ang tanda sa akin.
"Hello" bati nito sa akin pero nagsalubong lang ang kilay ko sa kanya "sino ka?" tanong ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako "Archer Craig nga pala" pagpapakilala nito at nilahad pa ang kamay pero tinaasan ko lang sya ng kilay at tinarayan na lalo nyang ikinatawa. Tsk! may sira ba sa utak 'tong lalaking 'to?
Hindi ko nalang sya pinansin at tinuon nalang ang atensyon sa harapan kung saan nakikita ko na abala sa paguusap ang mga tao at ang iba naman ay nagkakasiyahan, "tara takas tayo dito" bulong nya sa tenga ko pero hindi ko sya pinansin. Nagulat ako ng bigla nalang nya akong hilahin at tumatakbo na papunta sa direksyon ng garden namin. Nakatingin ako sa kanya habang tumatawa sya at hinihila ako, ngayon ko lang napansin na gwapo pala sya.
Binitawan na nya ako ng makarating na kami sa garden at hanggang ngayon ay tawa parin sya ng tawa "hindi ba nangangalay yang panga mo sa kakangiti?" tanong ko sa kanya kaya napabaling sa akin ang atensyon nya at nginitian ako "hindi naman saka sanay narin naman ako" saad nya kaya tinaasan ko sya ng kilay at inirapan.
"Ano palang pangalan mo?" tanong nya sa akin habang ako naman ay nakatingin lang sa mga bulaklak na nasa harapan namin "Paularina, Paularina Ellise McCoy" saad ko kaya napatango sya "then I'll call you Rinrin!" saad nya na may bakas ng saya sa boses kaya palihim akong napangiti.
‘Rinrin huh?’
"Bilisan mong tumakbo! HAHAHAHAHA!" nainis ako bigla ng sinigaw nya iyon dahil may kalayuan na ang pwesto nya kesa sa akin "masyado kang mabilis ug*k!" saad ko pero tinawanan nya lang ako. Naglalaro kami ngayon rito sa park malapit sa bahay namin, una ko syang nakilala nung apat na taong gulang pa lang ako at sya ay anim, ngayon nga ay siyam na taong gulang na ako at sya ay labing isa.
"Sabihin mo maliit ka lang! HAHAHAHAHA!!" halakhak nya at dahil bigla akong nabw*set ay mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon nya at ng maabutan ko sya ay agad ko syang sinipa sa likod kaya napatumba sya at ako naman ngayon ang humalakhak "HAHAHAHAH! karma is a b*tch nga naman pfft!" tawang saad ko kaya nakanguso syang bumangon at ako naman ay napahawak pa sa tyan ko dahil sa sobrang tawa.
Mas lalo lang akong natawa ng kilitiin nya ako kaya sinipa sipa ko ang paa ko pero di naman sya natatamaan, "HAHAHAHA! T-tama HAHAHAH! tama na! BWAHAHAHA!" tawang pigil ko sa kanya pero hindi manlang sya nakinig sa akin at mas lalo pa akong kiniliti "HAHAHA! you look like a mess Rinrin" saad nya habang kinikiliti ako "tama na BWAHAHAHA!" pigil ko at mabuti naman at tumigil narin sya.
Pinunasan ko ang mga luhang lumabas sa mata ko ng dahil sa sobrang tawa ko at hinahabol ang hininga bago sya samaan ng tingin pero ang siraulo nginitian lang ako! "pag ako nakabawi sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay pa Archer Craig" saad ko pero tinawanan nya lang ako kaya inirapan ko nalang sya.
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...