ANNA LUNA KUROZAWA KUNNE'S POV
"Ano!?" malakas na sigaw ni Amanda at napatayo pa at hinampas ng malakas ang lamesang nasa harapan nya, nagreport kasi ang isa sa mga tauhan namin at ang sabi ay sumugod rin sa school kung saan ang mga anak namin ay nagaaral. "O-opo master. Madami po ang sumugod sa school ng mga bata pero wala naman pong napuruhan maliban doon sa guard na wala ng buhay" saad nito kaya napaupo na si Amanda at nakatulala parin.
"That little sh*t!" rinig kong bulong ng katabi ko which is si Paularina na mariin ang pagkakapikit ng mata at parang malalim ang iniisip, narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Natsuke na para bang problemadong problemado rin. "That's it!" napatingin naman kami kay Paula ng isigaw nya iyon at agad na tumayo "let's attack her" she said while gritting her teeth that made us all shock.
"Bigla bigla ka namang nagdedesisyon Paula, isipin mo muna yan" walang bahid ng emosyon kong saad kaya napatingin sya sa akin or more like a glare. "Gusto mo isipin ko? well naisip ko na kaya tara!!!!" inis nyang bulyaw at padabog na umalis sa pwesto at nagmartya papaalis. "Pfft! hotheaded as always" rinig kong bulong ni Alexandra at tumayo narin bago sinundan si Paularina.
"Talaga bang susugod agad tayong lahat?" takang tanong ni Mellisa kaya tumango kaming lahat, "hindi naman basta basta magdedesisyon si Ellise kung hindi nya masyadong napagisipan ang gagawin nya plus trust me. Kailan pa ba nabigo ang lahat ng mga biglaang desisyon ng isang Paularina Ellise Miller?" nakangising saad ni Stella kaya napatango kami.
Well she's right, lahat ng mga padalos dalos na desisyon ni Paula ay hindi nabibigo dahil alam namin na planado na ang lahat sa isipan nya at mabilis na natatapos kaagad. Habang naglalakad kami ay nakita namin si Paula sa di kalayuan na nakikipagusap kila Fhipbie at Archer ng seryoso kaya hindi na muna namin sila nilapitan.
"Ano kayang pinaguusapan nila" rinig kong bulong ni Satou, tsk! kahit kailan talaga chismoso. Nang makalapit na kami ay doon ring umalis na silang dalawa at nakita namin si Paula na may malaking ngiti ba para bang nagustuhan nya ang kung ano mang pinagusapan nila.
"What's with the smile?" kunot noong tanong ni Skylar sa kanya kaya napalitan ng ngisi ang malawak nyang ngiti "hahanapan raw nila ako ng sugar daddy" ngising saad nya kaya mariin syang tinignan ng asawa nya at ang iba naman sa mga kasama namin ay nagpipigil ng tawa "really Mrs. Miller?" nakabusangot at mariing saad sa kanya ni Paula pero nagkibit balikat lang ito at naunang maglakad papunta sa motor nya at mabilis iyong pinaandar.
Napailing nalang ako dahil nakatayo parin sa pwesto nya si Skylar habang masama ang tingin sa kung saan pumunta ang motor ni Paula, pumunta narin ako sa sarili kong kotse at hindi na hinintay ang asawa ko na makasabay ko sa pag-alis.
PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV
Mabilis ang pagpapatakbo ko sa motor ko at napapangisi parin ng dahil sa napag-usapan naming tatlo nila Fhipbie at Archer. Well, hinayaan kasi nila akong hiramin ang iba sa mga magagaling na tauhan nila at maging sila ay nagpresintang sumama sa amin.
"HAHAHAHA!!" bigla kong tawa ng maalala ko ang itsura ni Skylar bago ko sya iniwan roon kasama na ang iba, well hindi ko naman na kailangan pa ng sugar daddy kasi sapat na sya *smirk*.
Tahimik kong pinarada ang motor ko sa kung saan ay hindi ako makikita ng mga bantay sa labas ba nakikita kong seryoso at nakatingin pa sa paligid habang may mga kanya kanyang baril na nakasabit sa katawan nila. Dahan dahan akong pumunta sa giliran nila kung saan hindi nila ako makikita at tagumpay naman akong nakapasok kaya napangisi ako.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakasalubong akong mga armadong lalaki pero agad agad at mabilis kong napapatumba dahil sa alam ko ang mga weak spots nila kasi naturo ito sa amin sa training and sila mom rin tinuro sa akin kung ano ano nga ba ang mga weak spot ng mga tao kapag kakailanganin mong lumaban.
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...