CHAPTER 37: WILL ALWAYS STAY BY YOUR SIDE

4 0 0
                                    

ARCHER CRAIG'S POV

Nakaupo lang ako rito sa sofa sa opisina ni Paularina ng may pumasok at nakatanggap agad ako ng sama ng tingin mula rito pero nginitian ko lang sya kaya iniwas na nya ang tingin sa akin. Lumapit ito kay Paularina na busy sa ginagawa nyang paghahalughog sa drawer nya pero natigil ng hilahin sya ni Skylar at ang g*go hinalikan ba naman mismo sa harapan namin ang asawa nya.

"Kairita tong Miller na 'to masyadong PDA" rinig kong saad ni Fhipbie habang sobrang sama ng tingin kay Skylar na tumatawa na ngayon dahil pinapalo sya ng namumulang si Paularina, napangiti nalang ako dahil alam ko na kahit na ganyan si Paula ay mahal na mahal nya ang asawa nya, masyado lang talaga syang tsundere kaya ganyan ang bawat reaksyon nya.

Sa sampung taon ng pagkakaibigan namin noon isa lang ang napansin ko sa kanya, hindi nya pinapakita sa isang tao kung mahalaga ba ito sa kanya o hindi dahil pinaparamdam nya ito sa sarili nyang paraan, kaya nga nagtagal ako sa kanya dahil napakakomportable ko sa presensya nya pero ng dahil sa isang pagkakamali ay natapos ang pagkakaibigan naming iyon.

"Yuck!" nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong sinambit iyon ni Fhipbie at ng mapatingin ako sa harapan ay napangiwi ako dahil kulong kulong na ni Skylar si Paula sa mga braso nya habang si Paula naman ay masama ang tingin sa kanya "baka nakakalimutan nyo na kasama nyo kami?" mataray at masungit na saad ni Fhipbie kaya agad na tinulak ni Paula si Skylar at umayos ng upo sa harapan namin.

"Kung pupunta kalang rito para manglandi Mr. Miller sy umalis ka nalang kasi sinasayang mo ang oras ko" masungit at mataray na saad ni Paula kay Skylar na nakabusangot na ngayon habang nakatingin sa likod ng asawa nya "ang alam ko malandi na 'yang si Skylar pero di ko alam ganito pala sya kalandi" bulong sa akin mi Fhipbie kaya napatawa ako ng mahina.

"Since birth na 'yang malandi kaya wag ka ng magtaka pa" saad ni Paula kaya napatawa ulit ako at si Fhipbie naman ay napabungisngis, nakita ko pa na lumukot ang mukha ni Skylar dahil sa narinig nyang sinabi ng asawa nya kaya mas lalo pa akong natawa. Mababa talaga kaligayahan ko.

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Nasa tabi ko na ngayon si Skylar habang nakayakap sya sa likuran ko at si Fhipbie naman ay parang nandidiri pa sa nakikita nya ngayon sa harapan nya at si Archer naman ay nakangiti lang na pinapanooran kami.

"So, may plano na ba tayo?" tanong ni Archer kaya nagseryoso ako at nilagay sa harapan nila ang isang folder na laman ng kung ano ang naresearch ko kagabi, kinuha nila iyon at binasa lahat ng nakasulat roon, "I've searched about who really is Ricka and it turned out she's a cr*zy psychopath who is much obsessed with someone who can't be hers" saad ko at kinuha ang laptop kong nasa gilid at binuksan ito bago pinakita ang screen.

Nakalagay sa screen ng laptop ko ang isang picture ni Ricka at ang ilang impormasyon na tinamad na akong ipaprint at ilagay sa folder, "she's a daughter of an old mafia boss who rule the underground pero napatalsik ang papa nya ng dumating ang mga magulang namin at syang pumalit sa trono nya at namuno ng ilang taon hanggang ngayon" saad ko na ikinatango nila. "Nagsearch rin ako tungkol sa hideout na sinabi ni Fhipbie and it turned out that what she said was right, the old house are surrounded by tall trees and is hidden very well in the woods. Tinayo iyon ng tatay nya para hindi sila mahuli ng mga pulisya pero kalauna'y kailangan nilang lisanin iyon dahil sa personalidad na rason" saad ko kaya napatango ulit silang lahat.

"Inaral ko rin ang bawat butas ng bahay na ito kaya kung susugod tayo roon ay siguraduhin nyong makikinig kayo sa akin kung ayaw nyong mamatay ng maaga" saad ko sa kanila kaya napatango ulit sila at seryosong nakikinig na at maging si Skylar rin na kanina pa tahimik ay nakikinig narin.

"Bakit pa nga ba ako nagugulat sa ganito kung gayong alam ko naman na sa una palang ay masyado ka ng magaling sa paglalaro ng apoy" ngising saad ni Archer kaya napatawa ako ng mahina "kilala mo ako Mr. Craig, kung may gusto man akong gawin ay siniaiguro ko muna na magiging ligtas ako sa kung ano man iyon" ngisi ring saad ko sa kanya at nilaro laro pa ang ballpen na nasa kamay ko.

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now