CHAPTER 38: THE END

5 0 0
                                    

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Kinaumagahan pagkatapos ng nangyari kahapon ay nagtipon tipon kaming lahat rito sa kami namin, nandito ang lahat ng mga kaibigan namin including Amelianna and her husband. "Kinuha ng babaeng yon ang mga anak natin kaya nandito tayo ngayon para sugurin sya at sunugin ng buhay este sirain ang mga plano nya" saad ko pero natawa sila ng dahil sa sinabi ko kanina.

"Tatahimik kayo o susunugin ko 'yang mga kotse nyo!?" inis kong singhal sa kanila na nakapagpatahimik sa lahat, "anyways, nakagawa na ako ng plano kahapon at kailangan nyo nalang sundan iyon para mapabagsak naging ang babaeng iyon" saad ko na nakapagpatango sa kanilang lahat. Binigay ko sa kanilang lahat ang kanya kanyang gagawin na magiliw naman nilang tinanggap dahil ayon iyon sa mga data nilang nakuha ko sa pagmamasid sa bawal galaw nila tuwing lumalaban.

"Stella, Elloisa, Alexandra. Kayong tatlo ang gagawa ng gulo sa labas ng base nila para mabaling ang atensyon ng mga nagbabantay sa inyo at malayang makakapasok sila Damon, Kouru at Satou" utos ko na ikinatango nilang anim, "Mellisa, Angel. Kayo ang sasama sa akin para lumusob papasok sa loob at ubusin ang mga nagbabantay samantalang sila Nathan, Skylar at Raven ang magsasabi sa atin kung saan tayo pupunta sa pamamagitan ng mga earphones na nakalagay sa mga tenga natin" saad ko na ikinatango rin nila.

"Amanda, Amelianna at Kisheieana. Kayong bahala na gumawa ng back up kung sakaling hindi kami makalabas at makareport ng maayos within 15 minutes" saad ko kaya napatango sila. "Xavier, Xenon and Anna. Kayong bahala na bumaril sa mga tauhan ng iba na maaaring maging back up" saad ko kaya nagkatinginan silang tatlo bago tumango.

"Sa ibang hindi nabanggit, sasama kayo sa akin para maligtas ang mga bata na hawak nila at tandaan nyo, sa paa at kamay lang ang patama pero kung kakailanganin ay patayin nyo na" saad ko kaya narinig ko ang iilang tawanan at napapatango nalang ang iba. Sabay sabay kaming pumasok sa kanya kanyang sasakyan na dala at ang iba naman ay sumakay sa mga military truck at sumunod sa amin.

Nang makarating na sa harap ng gubat ay bumaba kami sa sinasakyan at dahan dahang pumunta sa loob ng hindi gumagawa ng ingay at mula rito ay tanaw namin ang mahigit isang libong mga bantay ng babaeng yon na nakaabang sa labas ng bahay at nakakalat rin sila sa bawat paligid nito na para bang pinapalibutan at binabantayan ang paligid.

"Mukhang pinaghandaan talaga 'to ng babaeng yon" rinig kong bulong ni Mellisa sa gilid ko kaya narinig ko ang pagsangayon ng ibang nakarinig non.

THIRD PERSON'S POV

Habang nakamasid silang lahat sa labas ay ang mga bata naman na nasa basement ng bahay at nasa loob ng isang tagong kwarto roon na kasya ang limang libong tao, ang mga mas nakakatanda ay sugatan narin dahil pinagbubugbog ng ibang bantay. Hindi rin sila makalaban dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali nila at hindi nila makalas iyon.

Wala namang nagawa ang iba kundi ang manood nalang at umiyak habang pinapanooran nila na bugbugin ng iba ang nakakatandang kuya nilang lahat. "Bakit kasi napakahigpit ng pagkakatali sa atin!?" reklamo ni Arrow habang pilit paring kinakalas ang tali pero kahit anong pilit nya ay hindi parin iyon nakakalas man lang o naluluwagan kahit kaunti.

"Wag mong subukang tumakas Arrow, mahihirapan kalang at baka mabugbog ka rin" saad ni Theo habang iniinda ang pasa at mga sugat nya sa katawan maging sa mukha "pag tayo pinakawalan hindi ako magdadalawang beses na im*ss*cre ang buong lahi nila" makamandag na saad ni Maxinne kaya napatayo ang mga buhok sa batok ng iba dahil sa takot.

Alam nila kung gaano kadelikado at kabrutal si Maxinne when it comes to something that involves blood, alam rin nila kapag seryoso sya at hindi nagbibiro kapag may nilalabas na salita sa labi nya at kung sasabihin nyang gagawin nya talaga iyon ay gagawin nya talaga at walang makakapigil sa kanya kahit na mga kapatid at magulang nya.

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now