CHAPTER 31

3 0 0
                                    

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Inutusan ko ang ilan sa mga sundalo rito na magmasid sa binigay kong lugar na kung saan naroon si Ricka Venoumn at alam ko rin na pinapanoodan nya ang bawat galaw namin kaya hindi ko pinapahalata na alam ko ang ginagawa nya. Kung akala nya lahat ay naayon sa plano nya pwes nagkakamali sya dahil plano ko ang nasusunod sa aming dalawa.

"Any reports?" tanong ko sa dalawang inutusan ko na nakabalik sa kampo at nasa harapan ko na. Sumaludo muna sila bago nagsalita "madami silang bantay ma'am at mukhang naghahanda na upang sugurin kayo pero mas madami parin tayong lahat" saad ng isa kaya napatango ako "ang ilan sa mga kasamahan namin ay nanatiling nagmamatyag sa pwesto nila at nagsasalitan kaya madali lang po kaming nakakakuha ng mga impormasyon" saad pa ng isa kaya napangisi ako at napapalakpak. "Good job to all of you, dismiss" saad ko at umalis na nga sila sa harapan ko.

"Madugong labanan to sigurado" saad ni Xavier na pumasok sa loob kaya tinaasan ko sya ng kilay "may sinabi ba akong pwede kang pumasok Captain Xavier Gray?" masungit kong saad dito pero tinawanan nya lang ako kaya inirapan ko ito. "Tsk" tanging saad ko at tinuloy ang ginagawang pagbabasa ng isang files na nakalikot ko sa dating opisina ni mommy na ngayon ay opisina na ni kuya Paulo.

Nakasaad rito kung gaano kadugo ang naging laban ni mommy sa isang delikadong gang na dumudukot at pumapatay ng mga doctor at ang isa nga sa mga nadukot nila ay si daddy buti na nga lang at marunong makipaglaban si dad at isa sya sa mga nakaligtas nung araw na iyon. Madami rin ang nasawi sa mga doctor at madami rin ang nangulila pero lahat ng iyon ay naghilom rin pagdating ng panahon, naikwento pa sa amin ni tita Hiketsu na pitong buwan palang si kuya Paulo non.

"Looks like I am not the only one who had a bloody fight" saad ko at tinuloy ang pagbabasa sa isang laman pa ng files. Nanlaki pa ang mata ko at napakurap kurap ng bumungad sa akin ang isang marriage certificate na may pangalan at signature nila mommy at daddy, "ibig sabihin arrange marriage sila!?" gulat kong saad at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Xavier na nakalimutan kong nandito pala sa tabi ko.

"Tsk" saad ko at itinabi na nga ito at sa mga drawers ko naman naghanap at napanguso ako habang kinukuha ang isang folder na nahanap ko kaya binuksan ko na iyon at timambad sa akin ang mga stolen pics ni Amelianna kasama si Fhilicx noong tatlong taong gulang palang ito at naalala ko na patago pala kaming inutusan ni Amanda na magmasid kay Amelianna at hanggang ngayon ay wala parin itong alam tungkol rito.

"Gwapo ng anak ko dyan" bigla akong nalaglag sa swivel chair ko ng marinig ko ang boses ni Amelianna at tinawanan nya pa talaga ako!, sinamaan ko sya ng tingin ng makatayo ako mula sa pagkakahulog ko. "Pfft! hindi ko alam na nagiging lampa ka na pala Pau" saad nya kaya mas lalong sumama ang tingin ko rito.

‘Amelianna Cassidy Santillian’ ang isa sa mga kaibigan ko since college at nakilala ko lang sya ng nagtry out kami para sa basketball team ng mga babae at magaling syang maglaro, tulad ni Amanda ay malakas rin sya at magkasing lakas rin sila nito. Dati hinahanap hanap lang to ni Rawwel eh tas ng nakahanap ng tyempo na huliin hindi nya na pinakawalan pa. Tumulong pa nga sila Skylar nung panahon na iyon.

"Tsk! nagiging kabute ka na pala Amelianna" saad ko at inis na umupo ulit sa upuan, "well nahawa ako sa pinsan ko HAHAHAHA!" tawa nito at ang tinutukoy nya ay si Anna dahil bigla bigla rin iyong nasulpot at nagsasalita kaya magugulat ka talaga, dagdag pa na hindi mo mararamdaman agad ang presensya nya kung dumaan sya sa gilid mo o kung nasa likod mo man sya.

"Anyways anong pinunta mo rito?" tanong ko rito at pinanood syang umupo sa isa sa mga sofa rito sa opisina, "may iuutos sana ako sa inyo" saad nya at kumuha ng isang libro sa shelf rito pero nagtataka nya lang itong pinagmasdan bago ibalik sa shelf ulit. "What is it?" tanong ko rito at iniayos ang kaninang hawak ko.

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now