PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV
"Another day, another headache for me" mahina kong bulong sa sarili habang nagdidilig ng mga halaman dito sa hardin. Ewan ko lang pero bakit dito ako mas na nakakaalala kesa sa probinsya?
Umiling iling na lang ako at sinubukang ialis ang kaisipang baka dito ako nakatira dati dahil napakaimposible non
"You have a really big scar on your left eye" muntik na akong mapatalon sa gulat dahil bigla bigla na lang sumulpot si Damien na ngayon ay tatawa-tawang nakatingin sa akin
"Damien wag ka ngang manggulat" inis na saad ko sa kanya at iniligpit na ang ginamit sa pagdilig "sorry about that miss babysitter" saad nya habang may matamis na ngiti sa labi kaya tumango na lang ako. Mahirap na baka sumakit nanaman ulo ko at baka marinig ko nanaman ang pangalan ng batang to
"I wonder why you and a picture of my mom have the same exact scar on the same eye" saad nya na ikinatigil ko sa pagaayos ng mga gamit at napatingin sa kanya ng may nakakagulat na expression
"Or it's just a coincidence, i don't know" kibit balikat nyang saad at naglakad na papalayo samantalang ako ay naiwang nakatayo at tulala rito at nabalik lang sa reyalidad ng may umaalog na pala sa akin
"Woi! kanina pa kita tinatawag hindi ka naman sumasagot" saad ni Rebeka kaya napakamot na lang ako sa batok ko at nahihiyang ngumiti sa kanya "pasensya na may iniisip lang" saad ko sa kanya kaya nagtataka na sya ngayon nakatingin sa akin
"Ano naman yon?" tanong nya kaya napabusangot ako, may pagkachismosa rin pala ang babaeng to "akin lang yon" saad ko at nilagpasan sya "oii! sungut mo naman!" rinig ko pang reklamo nya pero hindi ko na talaga sya pinansin
Nakapasok ako sa loob ay bumungad sa akin ang mga natatarantang kasambahay na ang lilikot dahil lakad sila ng lakad at nalaman ko nga ang dahilan ng pagkataranta nila ng makita ko si Damien na umiiyak habang nakaupo sa mahabang sofa
Nilapitan ko naman ang kaawaawang bata at binuhat kaya napako sa akin ang arensyon nya "shhh..." pagpapatahan ko rito at hinelehele pa sya sa hangin. Napansin ko naman na napanganga ang mga kasambahay ng tumahan na nga ang bata at sumiksik sa leeg ko
"Pano mo nagawa yon?" manghang saad ni Rebeka kaya napakunot ang noo ko "madali lang naman magpatahan ng bata" kunot noo kong saad sa kanya pero umiling sya "hindi yon ibig kong sabihin, hindi kasi...." pabitin nyang saad kaya mas lalong kumunot ang noo ko
"Kasi?" tanong ko pa at akmang magsasalita na sya ng pinutol iyon ni Damien "let's go to my room" mahinang saad nya sapat na para marinig naming tatlo kaya tumango ako at naglakad na paakyat
Nang makarating sa taas ay tinuro naman nya ang kwarto na malapit lang naman sa hagdan kaya agad na akong pumunta roon at pumasok na
Bumungad sa akin ang malinis at all blue na kwarto kaya nilibot ko na muna ang tingin ko sa paligidhabang inilalagay ko ang tulog nang si Damien
"Nice" maikling komento ko sa kwarto pero napakunot ang noo ko ko dahil parang nakita ko na ang desenyo ng kwartong to na para bang napagplanuhan ko na
Nilibot ko pa ang tingin hanggang sa dumako iyon sa isang litrato ng isang lalaking masayang nakangiti sa camera na kasama si Damien na tumatawa
'Pero bakit parang pamilyar yung lalaki? Bakit parang pakiramdam ko nakilala ko na sya? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ng nakita ko sya?'
Andami kong tanong pero wala akong mahagilap na sagot dahil wala talaga akong maalala at kahit pilitin ko man wala talaga
"Argh!! I hate having amnesia!!" mahina kong sigaw ko para hindi magising ang batang mahimbing ang tulog sa kama kaya agaran akong umalis doon at tumakbo sa kwarto ko
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...