CHAPTER 30: TRAINING PT. 4

4 0 0
                                    

ARROW LUCIFER TAMURA'S POV

Nakabusangot kami ngayong dalawa ni Christian at nilalaglag rin kami ng mga nanay namin kaya napapabusangot nalang kami sa yamot and plus we can't win in an argument between our mother cause they will use blackmailing to just shut us up.

"I can't believe they did that to us!" inis na saad ni Christian habang kumakain ng binili nyang chocolate cake sa counter kanina, nakabalik na kami sa school at humabol sa mga assignments na hindi namin nagawa nitong dalawang linggo. "Just let them be, we cannot stop them anyway" bored na saad ni Max at tinuloy ang binabasa nyang libro about physics.

He's just like Auntie Anna, they are both bookworms. Natapos na nga ang lunch time at balik nanaman kami sa kanya kanya naming classrooms at as usual it is a boring discussion about something I already read about. As usual dahil hindi pa tapos ang pageensayo namin ay diretso agad kami sa training grounds at malapit lang rin naman ito rito sa school kaya madali lang kaming nakarating agad.

Nang makapunta roon ay nakita ko sila Phinicxxe at Fhilicx na kausap ang mga pinsan nilang mga Santillian rin. Nandoon si Raphiel Santillian, Raphael Santillian, Crisha Marie Santillian at Matheo Santillian. Sila Crisha, Raphiel at Raphael at triplets pero kamukha ni Crisha ang mama nya at ang dalawa naman ay kamukha ng daddy nila.

Si kuya Theo ang pinakamatanda sa kanilang lahat na Santillian at ang best friend ni kuya Luca. Nilapitan ko sila at naririnig ko nga ang pinaguusapan nila.

"May crush na raw si Crisha"

"At sino naman yon?"

"Ewan di nya sinasabi"

"Wala akong crush!"

"Liar, meron!"

"Wala nga eh!"

"Meron kasi atsaka nakita ko sa cellphone mo"

"So inaamin mong sumisilip ka sa phone ko!?"

"Coincidence lang yon"

"Tss"

"Ang ingay nyo" pagsabat ko sa kanila kaya napatingin silang anim sa akin, "edi wag kang makinig" sarkastikong saad ni Phinicxxe kaya inikutan ko sya ng mata, minsan ang sarap ring manapak ng pinsan eh. "Kung papasok kayo edi pasok na" saad ko at nauna na nga sa loob at nakita ko nga ang iba pang kasama namin na naroon na.

Nakita ko si Devon, Ravin at Reyver di kalayuan sa akin na nagstrestretching na kaya mabilis kong itinabi ang gamit ko at pumunta narin sa gawi nila, pagkatapos nga non ay agad akong napatakbo sa direksyon nilang tatlo at nakisali narin sa stretching nila.

"Looks like Phinicxxe and Fhilicx will be joining us today" saad ni Ravin habang nakatingin sa direksyon nilang mga Santillians, "well nandito rin naman si tita Amelianna kaya siguro nandito rin sila" sagot naman ni Devon kaya napatango kaming tatlo.

THIRD PERSON'S POV

Habang nagbabanat nga ng mga katawan ang apat ay ang mga Santillians naman ay hindi mapakali dahil kanina pa sila nagaaway sa isang bagay na hindi naman mahalaga, "tumigil na nga kayo! ang ingay nyo" pagpipigil ni Amelianna sa kanilang anim kaya natahimik naman sila.

Nakakatakot magalit ang nanay nila Phinicxxe at Fhilicx kaya hindi na sila nagsalita pa at tumungo na nga ang dalawang pares ng kambal sa arena upang magensayo rin kasama ang iba pa nilang kaibigan. "Aren't you gonna join them? Theo, Crisha?" tanong nito sa mga pamangkin pero umiling lang ang dalawa at pinanooran na nga ang laban nila.

Sa kabilang banda naman ay nadoon si Christian na pasimpleng nagnanakaw ng tingin sa direksyon nila Amelianna at napaiwas sya ng tingin ng makita nya na kanina pa naniningkit ang mata ng kakambal ni Amanda na si Amelianna. Natapos nga ng maaga ang pageensayo nila kaya diretso uwi na agad ang iba at ang mga natira naman ay nakikipagusap pa sa isa't isa at sa mga kasama nila.

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now