PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV
Nakatayo ako ngayon dito sa labas ng school ni Christian ng mapansin kong nakabusangot syang papunta sa direksyon ko at bigla na lang akong niyakap "anong nangyari sayo?" saad ko at niyakap na lang sya pabalik
"Nothing I just had a very bad day" saad nya at mas lalo pang ibinaon ang ulo sa dibdib ko, 13 y/o na sya pero hanggang dibdib ko lang ang taas nya dahil matangkad rin akong babae
"Hmm" saad ko na lang at sinuklay suklay ang buhok nya gamit ang kaliwang kamay ko "so magyayakapan lang talaga kayo jan at wala kayong balak na umuwi?" napatingin naman kami kay Hermois ng marinig ang sinabi nyang iyon at nakataas pa talaga ang kilay nya
"Boss ka?" masungit na saad ko habang nakataas rin ang kilay pero mukhang mas masungit pa sakin ang lalaking ito dahil inirapan nya lang ako dahilan ng pagkaawang ng mga labi ko
"Sinusungitan yata ako ng lalaking ito" bulong ko sa hangin at akmang magsasalita ng naunahan ako ng kayakap ko "don't order me around Hermois you're not my dad" malamig at seryosong saad nito kaya napalingon agad sa amin sya at napalunok
"Ahh... hahahaha nagbibiro lang naman ako ano kaba" saad nya at ninenyerbos na pumunta papalapit sa amin "uwi na tayo boss hehe" saad nya at napakamot pa sa batok nya pero tumagilid lang ang mukha ng kayakap ko at binigyan sya ng masamang tingin bago bumalik sa dating pwesto
"I'll be in the car but I won't go home yet" saad nya at kumalas na sa yakap namin bago pumasok sa kotse "ibang klase rin yang si boss parang tatay nya rin minsan hayst!" rinig kong reklamo ni Hermois dahilan ng pagtawa ko
Ilang minuto pa ay naisipan na nyang umuwi na kaya agad namang nagmaneho si Hermois papauwi ng bahay samantalang ang katabi ko naman ay nakatulog na dahil sa sobrang pagod
Habang nasa byahe kami ay may napapansin akong nakasunod sa aming mga sasakyan kaya pumunta ako sa tabi ni Hermois at pinakausapan syang ako muna sa manibela mabuti naman at pumayag sya kaya ako na ngayon ang nagmamaneho
Ewan ko ba pero bigla na lang ako nakaramdam ng pangamba ng makitang hindi parin umaalis ang mga sasakyang nakabuntot sa amin kaya naisipan ko na tawagan si Stella
[ "Hello?" ] sagot nito kaya niloud speaker ko ang cellphone at inilagay sa may cup holder "Stella may sumusunof sa aming mga sasakyan kanina pa" saad ko at mas binilisan pa ang pagmamaneho kaya napakapit ang katabi ko sa seatbelt nya samantalang ang bata naman sa likod ay mahimbing parin ang tulog, buti na lang ay hinigpitan ko ang pagkaka-kapit ng seatbelt sa kanya
[ "Don't hang up yet itratrack ko pa kung nasaan kayo, keep your head up on the road" ] saad nya kaya ginawa ko "bakit di ko sinabi na may sumusunod na pala satin?!" tarantang saad ng katabi ko
"Baka kasi mataranta ka katulad ngayon diba natataranta ka?" saad ko kaya napatampal sya sa noo nya "pero hindi ka marunong magma-" di pa nya natatapos ang sasabihin ay may bigla na lang nagpaputok sa likoran namin
"Bw*s*t!" saad ko at biglang iniliko ang sasakyan "what's happening?" napatingin ako sa itaas na salamin ng kotse ng marinig ko ang boses ni Christian at nakita ko ngang naalimpungatan sya at nagising
"Shh tulog ka lang dyan Christian wag kang magalala malapit na tayo" mabuti na lang at mabilis na nakatulog uli ang bata kaya mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho
Nasa kalagitnaan kami ng paghahabulan at sila naman ay tuloy lang sa pagpapaputok ng makarinig kami ng pagsabog at pagtingin ko nga sa itaas na bahagi ng salamin dito sa harapan ng kotse ay may nakita akong chopper
[ "Nandyan na ang back up wag kang magalala Rina sila Damon lang yan" ] rinig kong banggit ni Stella mula sa kabilang linya kaya napahinga ako ng maluwag pero di parin sapat iyon para mawala ang kaba ko dahil hanggang ngayon ay sinusundan parin nila kami
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...