CHAPTER 19: DREAM

6 0 0
                                    

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Naalimpungatan ako ng dahil sa bigla akong nakaramdan ng uhaw kaya inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Skylar at umalis sa kwarto para bumaba at uminom ng tubig

Nang makababa na ako ay agad akong dumiretso sa kusina pero may nakita akong bulto ng babae roon na nagsasalin ng tubig kaya nilapitan ko iyon at pinaharap at laking gulat ko ng makita si Rebeka na nakangiti na nakaharap sa akin

"Pa-paano?..." naguguluhan kong saad pero napabungisngis lang ito at umupo sa upuan dito sa kusina "nasa isang panaginip ka Rina" nakangiting saad nya at tinungga ang kinuha nyang gatas mula sa ref kaya naman nangunot ako at nilibot ang tingin sa paligid dahil alam ko kung nananaginip ba ako ay wala akong makikitang orasan rito at tama nga sa dahil ni isa sa mga malalaking orasan rito sa kusina at hindi ko man lang makita

"Binibisita mo ba ako?" wala sa sarili kong tanong sa kanya kaya napatawa sya at ako naman ay napayuko sa hiya "parang ganon na nga" natatawang saad nya at sinubukan na maging seryoso "okay seryoso na talaga at sasabihin ko sayo ang mga nakita ko nung araw na nawala at pinatay ako ng br*hang yon" seryoso nyang saad kaya nagseryoso narin ako

"Actually may nakita ako nung araw na iyon at aware rin ako na alam nyo na kung sino ang babaeng nasa likod nitong lahat pero hindi sya nagiisa dahil may isang lalaki rin na kasama sya nung araw na iyon" seryosong saad nya kaya nagtataka ko syang tinignan

"Sino naman ang lalaking iyon?" tanong ko pero napaisip naman sya "hindi ko maaninag ang mukha nya pero pamilyar ang bulto ng katawan nya na para bang..." natigilan sya sa pagsasalita at nanlalaki ang matang napatingin sa akin "s-si Archer Craig!!" saad nya kaya nanlaki narin ang mata ko

"P-pero bakit sya?" nagtataka at nanlulumo kong tanong sa kanya kaya sya naman ang nangunot ang noo at mapanuyo akong tinignan "kilala mo ang sikat na modelong yon?" tanong nya at kahit labag sa loob ay tumango ako

"He's my ex best friend" mahina kong saad at napahampas naman sya sa lamesa sa harap namin at nanliliit ang matang napatingin sa akin "weh? di nga?" tanong nya kaya napabusangot ako kaya napatawa sya

"O sya kailangan mo ng gumising, mag-iingat ka Paularina" huling narinig ko bago ako nilamon ng dilim, agad akong napabangon at hawak hawak ang dibdib ko sa sobrang hingal ko at napatingin sa paligid ng kwarto

"Panaginip?" tanong ko sa sarili at nakita ko naman na gumalaw ang katabi ko at pupungay pungay na tumingin sa akin "why did you woke up too early?" inaantok nya pang tanong kaya napatingin ako sa isang maliit na orasan na nakalagay sa bedside table at nakita ko nga na 5:30 pa lang ng umaga

"W-wala nanaginip lang ako" tanging saad ko kaya hinila nya ako papahiga at muling isiniksik ang sarili sa akin kaya hinayaan ko na lang sya at dahil di na ako nakatulog ay tumunganga na lang ako sa kisame at inisip ang tungkol sa panaginip ko

"Kung totoo man na may kinalaman si Archer dito bakit naman nya nagawa ang lahat ng iyon?" tanong ko sa sarili pero napailing na lang at at tumagilid para maharap ang katabi ko at since nakayakap sya sa akin at nakatapat ang ulo sa mismong dibdib ko ay sinuklay ko na lang ang malambot nitong buhok

"Hmm kung sakali ba na malaman mo na kasangkot rin ang dati kong kaibigan sa mga nangyayari sakin ano kaya ang magiging reaksyon mo?" tanong ko sa natutulog nitong bulto habang patuloy parin na sinusuklay ang malambot nitong buhok

Sa kakasuklay ko sa buhok nya ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako at naalimpungatan lang ng may maramdaman na humahalikhalik sa mukha ko kaya unti unti kong minulat ang mata at nakita nga si Damien na nakangiti habang patuloy parin sa paghalik halik sa mukha ko at ang dalawa naman ay ginugulo ang daddy nila kaya hindi ko maiwasang mapangiti

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now