CHAPTER 1: NEW JOB

18 2 0
                                    

PAULARINA ELLISE MCCOY'S POV

Nakarating na ako dito sa terminal ng bus at nagiintay na lang ng masasakyan papuntang manila, masyado pa kasing maaga kaya wala pang ibang bus na nakaparada atsaka 3am pa lang naman ng madaling araw

Nagmamasid lang ako sa paligid ng mahagip ng mata ko ang isang taong nasa dulo na naka-all black ang suot tapos nakatayo pa sa may dilim na kaunti lang ang ilaw na dinadapuan doon kaya napatayo ang balahibo ko dahil narin siguro ay ang creepy nya tignan doon

'Wala pa naman akong gagawin rito at wala pa namang gaanong bus kaya matutulog na lang muna ako' sambit ko sa isip ko atsaka pumikit at tuluyan nang nalamon ng antok

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako ng masinagan ng araw ang mukha ko kaya dahan dahan ko munang minulat ang mata ko at napagtanto ko na marami na palang mga tao at sumikat na ang araw, "anong oras na ba?" tanong ko sa sarili ko at kinapa sa bag ang telepono ko at ng makuha ko iyon ay binuksan ko agad at nanlaki ang mata na alas otso na pala ng umaga at baka late na ako sa papasukan kong trabaho, at worst pa ay limang oras ang byahe kaya sigurado akong gabi na talaga ako makakarating doon at baka masungit rin ang amo ko kaya kinakabahan na ako ng todo

Agad agad akong sumakay sa isang bus papuntang  manila at buti naman ay nakaabot ako dahil pagpasok ko ay agad ng umandar ang bus at nakahanap pa ako ng maaaring mauupuan

Habang umaandar ang sasakyan ay nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan at talagang probinsya ito dahil sa dami ng mga punong nadadaanan ng sasakyan at mamimiss ko rin siguro ang lugar na ito dahil ngayon lang ako nalayo sa itinuring ko ng pamilya ng tatlong taon

"Ma'am bayad nyo po" nabaling ang tingin ko sa taong nagsalita at napagtanto ko na ito pala ang naniningil ng mga bayad kaya agad ko idinukot ang wallet ko at kumuha ng pambayad at ibinigay sa kanya, "salamat po" saad nya at umalis na rin kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagtingin sa labas ng bintana

Nakita ko naman ang repleksyon ko dito ng maging madilim ang niraraanan namin at hindi ko talaga mapigilang mamangha sa itsura ko, meron akong mahabang puting buhok na may fade na purple at pinaresan rin ng mala royal violet na kulay ng mata ko, pinkish lips at rosy cheeks. Matangos rin ang ilong ko at katamtaman ang kapal ng kilay, malaporselana rin ang kutis ko at maputi rin, mukha ring maldita at masungit ako na totoo naman dahil gano'on ako sa ibang hindi ko pa kilala o kaya ay kinaiinisan ko

"Siguro anak ako ng mayaman sa mga nakaraan ko" bulong ko na tanging ako lang ang nakarinig. Minsan na rin akong nananaginip ng mga imahe na malabo at ang tanging alam ko lang ay konektado iyon sa nakaraan ko dahil sabi nga nila inay at itay ay posibleng may amnesia ako kaya hindi ko maalala ang nakaraan ko

Napahawak ako sa suot kong kwintas na ang pendant ay isang mamahaling singsing, maging sila inay at itay nga ay nagulat rin daw ng makita ang kwintas kong ito dahil napakamahal raw ng presyo ng singsing na syang pendant ng kwintas

Ang natatandaad ko lang sa araw na nagising ako sa kwartong iyon ay nakabenda ang ulo ko at ang tagiliran ko sambit pa nila inay ay natagpuan raw nila ako sa may dalmapasigan na nakahiga at walang malay na nakapansundalong damit at duguan ang ulo at tagiliran kaya suspetya namin na dati akong sundalo sa nakaraan ko hindi lang iyon ang nalaman ko dahil may singsing rin akong nakakabit sa kanang daliri ko na aprang kasal na ako sa isang tao

Winakasi ko ang kaisipang iyon at nagpokus na lang sa harap at tinitignan ang mga ibang pasaherong pababa na kaya napatingin ako sa orasang nasa taas na bahagi lang ng bus at nakita ko na isang oras palang na bumabyahe ang bus kaya napailing na lang ako at isinandal ang likod sa upuan

Mga ilang oras pa ang lumipas at hapon na ako nakarating sa istasyon ng bus na syang huling dadatingan rin ng bus at sakto rin na pagbaba ko ay may nakita akong isang maliit na karinderya kaya agad akong pumunta roon dahil kanina pa nakalam ang sikmura ko sa bus, kumain namana ko pero hindi iyon sapat para mabusog ako

MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)Where stories live. Discover now