CHRISTIAN BLAZE MILLER'S POV
Nakamasid lang ako sa paligid at pinapakiramdaman ito, nakikita ko rin na nakakalas na ang mga tali namin pero hawak hawak lang para hindi mahalata ng mga bantay na malaya na ang mga kamay namin.
Nasa likuran ko si Christine na nakaharap sa gawi ng mga bantay kaya binitawan ko muna ang tali at pasimpleng kinakalas ang pagkakatali ng paa ko at ng makalas ay bumalik sa datong pwesto at hinawakan ulit ang tali. "Kuya anong gagawin natin? baka matagalan pa sila mommy" bulong nya sa akin kaya tinignan ko sya mula sa gilid ng mata ko at binalik sa harapan ang tingin.
"Hintayin na muna natin na umalis ang mga bantay at tayong lahat ang maiwan para makatalon tayo sa vent na 'yon" saad ko at tumingin sa taas at alam mong pati rin sya "kasya naman tayo ro'on dahil masyadong malaki ang loob non" saad ko na nagpatango sa kanya. Maya maya pa ay unti unti ng umaalis ang mga bantay namin hanggang sa kami kami na nga lang ang natira.
Binitawan ko na ang hawak kong tali at mabilis na kinalas ang tali sa paa ni Christine at maging kila Damien ay Axxis na nakatali sa isa't isa. Binuhat namin ang mga bata at si kuya Luca ay agad na tumalon sa nakabukas na vent at kami naman ay inihagis muna ang mga pinakamaliit at ang mga pangalawa namang mga matatanda hanggang sa makapasok na kaming lahat sa loob at unti unting gumapang.
"Wala na rito ang mga bata! hanapin nyo bilis!" rinig kong sigaw mula sa kwarto na inuukupa namin kaya napangisi nalang ako, hindi nila maririnig ang mga galaw namin dahil dahan dahan lang ito at maingat kaya hindi masyadong halata na nasa taas kami. Habang gumagapang kami ay sinusundan lang namin kung saan pupunta si kuya Luca na nasa pinakaunahan naming lahat.
Maya maya pa ay nakababa na kaming lahat at napansin rin namin na nasa loob parin kami ng mansion at nasa mahabang pasilyo nito, dahan dahan naming nilakad ang kahabaan nito at naging mas alerto sa maaring mangyari sa amin kapag binaba namin ang senses sa aming paligid.
Nasa kalagitnaan pa lang kami ng paglalakad ng marinig namin ang mga boses nung nagbabantay sa amin "ayon!" mabilis naman kaming tumakbo papalayo sa kanila, nakita ko naman na nahihirapang tumakbo si Damien kaya mabilis ko itong binuhat habang tumatakbo pa kami "hold on tight Damie, this might take a while" saad ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya at sya rin.
Sinubukan naman namin silang iligaw sa pamamagitan ng paghihiwalay naming lahat, kasama ko si Christine habang nasa likod ko si Damien at may mga nakasunod pa sa amin, "paano natin sila maliligaw?" tanong ni Christine kaya napalingon ako sa isang dosenang lalaki na humahabol sa akin "the dagger, its still with you right?" tanong ko pero umiling sya.
"Nabitawan ko kanina nung dinakip tayong lahat" saad nya na may bahid ng lungkot kaya napabuga ako ng hangin, "I still have the flash bomb in my pocket" napatingin naman kami kay Damien ng sabihin nya iyon at napangisi ako ng kumuha sya ng isang maliit na flash bomb sa bulsa nya "throw it to they're direction Damie" utos ko na agad naman nyang sinunod.
Pagkatapos nya iyong batuhin ay narinig pa namin ang ilang sigaw ng mga ito at paglingon ay halos lahat sila ay nangangapa na, "good job!" saad naming dalawa ni Christine kaya mapatawa ito na syang dahilan ng pagngiti ko.
THIRD PERSON'S POV
"What do you mean they escaped!?" malakas na sigaw ni Ricka sa tauhan nya na nagsabi na nakatakas ang mga bata "o-opo madam, hindi nga po namin alam kung paano sila nakawala" sagot pa ng isa habang nakayuko kaya nanlilisik ang matang tinitigan nya ito. "Find them ASAP!" malakas na sigaw nya rito at tinuro pa ang pintuan kaya mabilis namang umalis ang mga ito.
Habang hinahanap ng mga tauhan ni Ricka ang mga bata ang mga magulang naman nila ay trinatrack ang truck na ginamit ng mga ito upang maitakas ang mga anak nila at sa tulong rin ng mga cctv sa kalye ay medyo madadali ang trabaho nila Skylar at Stella. "Nung hinahabol namin yung sasakyan, patungo ito sa kaliwa" turo ni Anna sa computer kaya nangunot ang noo ni Stella.
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...