∆THE STORY ON HOW DID SKYLAR TAMED PAULARINA∆
Kilala na nga ako ng pamilya nila Paularina at gusto naman nila ako para sa pinapamatandang anak nilang babae kaso nakakatakot kasi yung paraan ng pagtingin sa akin ng dalawang kuya nya para akong papatayin.
"Wag kang magaalala Skylar ganyan lang talaga ang dalawang yan since si Paula ang unang prinsesa ng pamilya nila" rinig kong bulong sa akin ni Kouru na nandito sa tabi ko dahil kilala na sya ng mga kapatid at magulang ni Paula at sya ang nakakaalalam ng lahat ng gusto kong malaman tungkol kay Paularina. Alam narin naman daw ng mga kapatid ni Paula na hindi nya type yon at friends lang talaga silang dalawa kaya normal na sa kanila na lagi syang nasa bahay ng pamilyang McCoy araw-araw.
"Buti ka pa tanggap ng buong pamilya nya" saad ko pa sa kanya kaya napatawa sya. Napatingin kami sa hagdan ng may bumaba roon at nakita ko si Paularina na nakaover size t-shirt at ripped jeans na pinarisan nya ng white sneakers "anong ginagawa nyo rito?" tanong nito habang nakakunot pa ang noo.
"Tara gala tayo!" pagaaya ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay at hindi na ako pinansin "ayoko katamad" saad nya kaya napanguso ako at nagisip nalang ng panibagong gagawin ko "laro nalang tayo truth or dare?" suhestyon ko pero umiling lang sya kaya nagisip ulit ako.
"Kain nalang"
"Ayoko busog pa ako"
"Gala nalang kasi!"
"Ayoko nga katamad"
"Bisitahin nalang natin sila Amanda"
"Nah, I'm not in the mood"
"Nood nalang movie?"
"Nope!"
"Date?"
"Eww! no!"
"Swimming?"
"Ayokong magbasa"
"Picnic sa park?"
"No"
"Biking?"
"No"
"Basketball?"
*SHAKE HEAD*
Napasabunot nalang ako sa buhok ko ng tanggihan nya lahat, wala na akong maisip na dahilan para makasama sya buong maghapon.
"Ellise go on, sumama ka na kay Skylar" napatingin naman kami kay tita ng sabihin nya iyon at dahil tinatamad pa nga daw sya ay ayaw pa nyang sumama pero dahil boss si tita sa bahay nila ay wala syang nagawa kundi ang sumama sa amin.
"Ugh! tinatamad nga ako eh!" reklamo nya habang naglalakad kami papunta sa park, narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Kouru kaya napatingin ako sa lukot ang mukhang Paularina na katabi ko. Naglakad ako palapit sa kanya ng kaunti at pinagsiklob ang mga kamay namin kaya napatingin sya sa akin at sa kamay nyang hawak ko.
Nung bumalik sa akin ang tingin nya ay isang masama at nakakamatay na tingin ang sumalubong sa akin, nginitian ko lang sya at hindi na pinansin ang paraan ng pagtitig nya sa akin. Habang naglalakad kami ay naramdaman ko nalang ang pagpiga nya sa kamay kong hawak narin sya dahilan ng pag-ngiti ko ng palihim.
I know how she loves for someone to hold her hand while walking dahil naalala ko sa tuwing kasama nya ang mga kapatid nya ay hawak kamay nya ang dalawang kuya nya so I figured that she loves it when someone holds her hand.
Nakarating na kami sa park at natawa ako ng dahil sa nagniningning ang mga mata nya habang nakatingin sa mga taong nagkakasayahan sa paligid. May mga batang naglalaro, mga magpamilya na nagbobonding at mga magkasintahan na nagdadate.
"Let's go eat ice cream!" saad nya at hinila nalang ako bigla sa may nagtitinda ng ice cream, nang makarating at bumili sya at agad na kinain ito. Nakatingin lang ako sa kanya na masayang nakain ng sorbetes at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang cute nya talaga kung gumalaw.
"You got a little bit of ice cream in here" saad ko at kumuha ng tissue para ipunas sa pisnge nya, naramdaman ko naman na nakatingin lang sya sa akin habang pinupunasan ko ang kalat nya sa pisnge, "there" saad ko at nginitian pa sya ng matapos sa pagpunas sa nagkalat na ice cream.
Napaiwas naman sya ng tingin pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-pula ng mukha nya reason why I smile at her full of adoration and love. I know she got hurt because of her past but I'll make sure to replace all of her sorrow, anger and sad emotions with love, happiness, adoration and smiles.
I think she never had a genuine smile for a long time since she always had this mischievous and playful smirks that is always plastered in her beautiful face, but I saw her smile once. She was with her gang that time and I knew that I am really falling so deeply in love with the person I am with now.
"Iniwan na natin si Kouru" natatawa nyang saad sa akin ng matapos kumain ng ice cream at nakaupo na ngayon sa isang bench habang nakatanaw sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid, "hayaan mo na sya malaki na 'yon" saad ko kaya napa-snort sya ng bahagya at natawa.
I really love seeing her smiling and laughing, for now my goal is to make her stay by my side no matter what and will never give up on loving her even if it means risking my life.
Ibinalik ko na sya sa bahay nila ng pumatak ang ala sais ng gabi at nagpasalamat naman ang mommy nya pero hindi parin nawawala ang masamang tingin ng mga kuya nya.
"See you tomorrow" ngiting pag-papaalam ko kay Paula at tumalikod na pero nabigla ako ng may humila nalang sa akin bigla at mas nagulat ako ng halikan ako ni Paularina sa pisnge at iniwan nalang nakatulala sa gitna ng daan. I smiled so widely when I got to processed what just happened just now.
I knew I will be able to tame the wild white tiger.
•END•
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...