AMANDA CASSANDRA KUNNE'S POV
"Just follow what Arrogant Devil is going to say to all of you and remember, don't die" bilin ko sa mga tauhan ko na ipapadala ko kay Paula para extra help narin sa laban nila. Ngayon na daw kasi susugod yung sinasabi nilang Ricka Venoumn kaya maghahanda na sila Paularina at imbes na sila ang masuprise sila ang sosopresa sa kanila.
"Yes ma'am!" sabay na saad nila at yumuko pa sa akin kaya tinanguan ko sila at sinenyasan na pwede na silang umalis na ginawa rin agad nila. Habang nakatingin ako sa bintana rito sa Head Quarters namin ay naramdaman ko na may tumabi sa akin at tumingin rin sa labas, "sigurado ka bang walang mawawalan ng buhay sa kanilang lahat?" tanong ni Ashter sa akin kaya nagkibit balikat ako.
"Hindi ko alam, pero wag kang magaalala masasamang damo ang lahat ng iyon dahil ilang beses na silang sumabak sa ganitong sitwasyon at tignan mo, buhay parin naman silang lahat at kompleto" saad ko kaya tinanguan nya nalang ako at tumingin narin sa labas ng bintana.
"Ate" tawag nya sa akin kaya tinignan ko sya sa peripheral vision ko, "hmm?" tanging sagot ko sa kanya "diba tinulungan ko si ate Amelianna nung tinatago nya pa ang mga bata?" saad nya kaya napatingin ako sa kanya "bakit? may napansin ka bang kakaiba?" tanong ko at natahimik sya ng tatlong sigundo bago dahan dahang napatango na ikinakunot ng noo ko.
"Yung babaeng nakita ni ate na kasama nung g*gong asawa nya non" pangbibitin nya sakin dahil umayos sya ng tayo at seryoso akong hinarap "nakita ko sya ate na umaaligid parin sa paligid nila" saad nya kaya napaseryoso ako. Kung ganon Aeshie Connor is still trying ti wreck their family huh?, napangisi ako ng makaisip ng isang brutal na pamamaraan para tumahimik na ang higad na iyon sa kakabingwit ng pagmamay ari na ng iba.
"What d*monic things are you thinking again oneechan?" saad nya at mariin akong tinignan kaya nagkibit balikat ako at hindi ko na sinabi sa kanya iyon. It's for me to know and for you to find out Ashter Gabriel Kunne.
ACCEL FUEGO'S POV
Nakatayo ako ngayon sa gilid nila kuya Xavier at kuya Xenon at naghihintay sa utos ni captain para makausad na kami dahil kita ko mula rito gamit ang binoculars ko ang mga lulusob na tauhan ng kalaban ni captain. "Kailan kasi yung hudyat?" tanong ko kila kuya habang nakatingin parin sa mga papalapit na mga armadong lalaki, kibit balikat lang ang sinagot nya sa akin ng balingan ko sya ng tingin kaya napabuga ako ng hangin.
Accel Fuego, 28 y/o at nakababatang kapatid ni Kisheieana Fuego-Santillian na asawa ng isang well-known playboy na si Rawwler Kurt Santillian. My sister is a writer just like her sister in-law Amelianna. Parehas silang gusto ang genre na BL romance kaya magkasundong magkasundo sila.
Si ate Kisheieana ay arranged marriage lang kay Rawwler at sa una ay hindi nya pa mahal ang lalaking iyon but as time goes by she finally learned how to love that *ssh*le. She gave birth to their triplets, two boys and one girl.
Galing kami sa isang sikat at mayamang pamilya kaya iniingatan talaga nila mommy ang pangalan namin ay kahit ayaw nila sa gulo ay pinapabayaan nalang nila kami since hindi naman na nila kami mapipilit pa. Nabalik ako sa reyalidad ko ng kakarinig ng mga pagsabog kaya dali-dali kong kinuha ang binoculars ko at tumingin sa mga armadong lalaking papasugod kanina.
Nakita ko na nabawasan ang bilang nila at ang iba sa kanila ay nainjury dahil sa pagsabog at ang iba naman ay wala ng buhay "ayan na ang hudyat" napatingin naman ako kay kuya Xavier at nakita ko na nakangisi sya at pinosisyon na ang baril nya na kaya ang long distance bago nagsimulang magpaputok.
Wala narin akong nagawa dahil ito rin naman na ang hinihintay ko kanina pa, nagsimula narin akong bumaril ng mga armadong lalaki bago pa sila makapalag pero syempre sa mga kamay at paa ko lang sila binabaril tulad ng sinabi at iniutos sa akin ni captain pero ewan ko nalang sa dalawa kong kasama.
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...