ARCHER CRAIG'S POV
Pinapanooran ko lang si Fhipbie na maglakad ng pabalik balik sa harapan ko rito sa sala ng condominium namin, kanina pa sya ganyan simula ng nakatanggap sya ng tawag galing sa isang tao. "Calm down, nahihilo na ako kakanood sayo" saad ko kaya napatigil sya sa ginagawa nya at umupo sa tabi ko.
"Ricka is already preparing for her attack" saad nito habang pinapaypayan nya ng kamay ang sarili nya at ako naman ay nangunot ang noo ko "who's Ricka?" tanong ko pero tinignan nya lang ako ng walang emosyon bago nagsalita "Ricka Venoumn, ang babaeng mas baliw pa kesa sakin" saad nya at kinalikot ang phone nya at pinakita sa akin ang isang picture ng babae.
"She's Ricka, the bigger threat I told you about" saad nya kaya napatango ako, at sya naman ay natulala lang sa cellphone nya at nagsimula ng magkwento "Ricka and I used to be friends but because of our obsession about Skylar we got into a fight and forgot all of those memories we made together" napahinga muna sya ng malamim bago tinuloy ang kwento "hindi nga kami nagpapansinan na dahil busy na kami sa kanya kanyang strategy para makuha ang atensyon ng lalaking kinababaliwan namin, pero ng mabalitaan naming kasal na sya ay nagwala sya samantalang ako naman ay tinanggap nalang ang katotohanan pero sadyang masyado na syang nabaliw kaya umisip sya ng paraan para mawala sa landas nya ang asawa nito, which is si Paularina" saad nya at napasandal pa sa sofa bago ipinikit ang mata at nagpatuloy ulit.
"Sya ang nasa likod ng pagsabog ng chopper 3 years ago, sya rin ang nasa likod ng bawat galaw ko dahil inuutusan nya lang ako at hindi mo iyon alam" saad nya kaya napatango ako, lagi kasing may kausap sa telepono si Fhipbie minsan at yung pagpatay nya sa matandang kapitbahay nila ay utos rin yon pero yung tungkol kay Rebeka Veltraouthe ay hindi dahil sya talaga ang nagkusang iligpit sya.
Pinagsisihan nya naman iyon pero hindi nya rin masisisi ng matagal ang sarili nya, naisipan nya lang na magiging malaking butas si Rebeka dahil nakita nya kami at narinig nya pa ang usapan kaya pinatay nya ito. Nung time naman na kinidnapped nya ang mga anak nito ay utos rin iyon. Wala syang choice kundi ang sumunod dahil kung hindi ay sya naman ang mawawala.
"Lahat ng galaw ko ay alam nya at ng nalaman nya na hindi na ako sangayon sa pinaggagawa namin ay tinawagan nya ako at sinabing kanya kanya nalang ang gagawin namin" saad nito at napatitig sa kisame bago ulit nagsalita, "hindi ko na alam kung anong sumunod dahil wala na akong naging balita sa kanya. Tumawag sya kaninang umaga at sinabi nya na naghahanda sya para sa pagsugod nila at hanggang doon nalang talaga" pagtatapos nya sa kwento at bumaling sa akin ang atensyon nya.
"Ano bang pwede kong gawin para mapigilan ang kahibangang to?" tanong nya sa akin kaya napakurap kurap ako, "ahhh bakit mo naman yan natanong?" saad ko pero nakita ko ang inis na dumaloy sa mukha nya bago napanguso "narealize ko lang na pangit pala si Skylar" saad nya kaya napahalakhak ako na ikinahaba ng nguso nya.
"Ayaw ko na don naalala ko na playboy at loyal yon sa asawa nyang amazona" saad nya pa at napairap kaya napahawak na ako sa tyan ko dahil sumasakit na iyon sa sobrang tawa ko, "HAHAHAHAHAHA! I-I can't pfft! HAHAHAHAHA!" mas lalo pa syang napanguso hanggang sa busangot na nga ang naging itsura nya.
"Silipin kaya natin si Paularina?" biglang suhestyon nya ng tumigil na ako sa kakatawa, tinanguan ko naman ang naisip nya at tumayo na para maghanda.
XENON GRAY'S POV
Yo! I am Xenon Gray isang gwapong nilalang na utusan lang ni Paula, aruy! kasakit isipin na utusan lang ako ng babaeng yon. Takot ako sa kanya eh kaya hindi ko sya kayang patulan hehehe, plus masyado syang malakas kaya kung mangyari man yon sigurado akong 50/50 ang buhay ko.
Nasa office nya kaming tatlo nila Xavier, Accel at ako. Pinatawag nya kasi kami pero hindi naman nya kami kinakausap o binalingan man lang ng atensyon. "Display lang yata tayo rito" bulong sa akin ng pinsan kong si Xavier samantalang si Accel ay hindi man lang nagsasalita.
YOU ARE READING
MS. SOLDIER'S FADED MEMORIES (FORGOTTEN SERIES#1: PAULARINA ELLISE MCCOY)
RandomA WOMAN WHO LOST HER MEMORIES BECAUSE OF AN ACCIDENT ON HER JOB GOT END UP IN A UNFAMILIAR PLACE AND GOT ADOPTED BY AN OLD COUPLE. YEARS LATER SHE GOT A JOB AS A NEW BABYSITTER OF THREE YOUNG KIDS OF A WELL KNOWN MULTI-MILLIONER, BUT WHAT IF SHE SUD...