CEE
"Hi Cee, it's been a long time," kilala ko ang boses na 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali dahil ilang buwan ko rin siyang kausap buong araw.
"Vanessa Delcano?" tanong ko at lumingon kung saan nanggagaling ang naririnig kong boses.
Nakilala ko siya sa isang party noon. Nilapitan ko lang tulad ng ginagawa ko madalas kapag tumatambay ako kung saan. Nagkaintindihan na lang kami at doon na nagsimula ang lahat sa amin. At oo, naging girlfriend ko ang babaeng 'to.
"Yes! Sino pa ba?"
"Kumusta na?" tanong ko naman at tumayo na rin sa harap niya.
"Great, eto maganda pa rin," vain din siya tulad ko at tanggap ko 'yon. At tsaka totoo naman talaga na maganda siya kaya wala naman akong angal doon.
Sweet nga siya noong una pero nang tumagal ay naging possessive na kaya nasakal talaga ako.
Ang nakatutuwa naman sa kanya ay naging close siya kay Cheska dahil parehas silang mahilig mag-shopping at sumunod sa uso. Kapag minsan nga, sila lang ang nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay. 'Yong sinasabi nilang girl thing, whatever that was.
"'Di ka pa rin nagbabago," ganoon pa rin talaga siya. 'Yon nga lang, lalo yata siyang naging vain dahil maya't maya ang hawak sa buhok niya na mukhang kagagaling lang sa salon.
At base sa natutunan ko sa aking natapos na degree, kapag ang babae ay hawak nang hawak sa buhok habang may kausap na lalaki, ibig sabihin noon ay attracted siya rito.
So meaning attracted pa rin siya sa akin? I better drop the idea kasi ako, hindi na ganoon.
"Of course, Ikaw kasi ang bad mo e," sabi niya, tumawa pa nang mahina at may pag palo pa sa braso ko. At ako pa ngayon ang bad? Bakit ako?
"Hindi ah," depensa ko sa sarili ko. Siyempre, joke lang 'yon, alam ko naman na naging play boy rin talaga ako noon. Pero nagbabago naman ang ikot ng mundo, nagbabago ang tao, nagbago na ko. Naks!
"Sasa," tawag ng isang kaibigan niya mula sa likod. Hanggang ngayon pala, sila pa rin magkakaibigan. Hindi ba sila nagsasawa sa isa't isa? Ako ang nagsasawa para sa kanila.
"Ay, Cee, remember them? Si Messy, si Portia, si Hanny at Zia. My long-time friends."
Hindi ko sila malilimutan dahil sila ang dahilan kung bakit ako nabuko ni Vanessa na nagloloko. Puppets nga ang tawag ko sa mga 'yan dahil sunod-sunuran sila sa kanya, siya kasi ang tumatayong lider nila e. Sikat din kasi siya sa school kaya siyempre, para sikat din sila, didikit sila sa sikat. Sabi lang sa'kin 'yon ni Cheska noong okay pa kami dahil minsan na rin siyang napasama sa kanila.
Umiwas na lang din si Cheska sa kanila dahil kanya-kanyang siraan daw kapag hindi nakatingin ang isa, ayaw raw niya ng ganoon. Magkakaibigan ba ang tawag doon? Ang labo!
"Hi, girls! Long time, no see," bati ko sa kanila.
"Hello," sabay-sabay nilang sabi.
"Kasama ko pala si Phoebe, sa kanila 'tong place. Phoebe, si Vanessa, Vanessa, si Phoebe," pakilala ko naman.
"Hi, Phoebe, nice meeting you," sabi ni Vanessa na todo ang ngiti, gumanti naman ang bata ng ngiti at nakipagkamay pa na agad namang tinanggap ng ex ko.
"Hi, just enjoy the place, okay?" sabi ni Phoebe at inilipat ang atensyon sa paakyat na banda na tutugtog sa entablado.
"Yeah, thanks," sagot naman ni Vanessa.
"Siya nga pala si Joan, nasa isang school lang kayo, baka nagkakasalubong kayo do'n," pakilala ko sa kanila.
"Girls, look who's here," bulong ni Vanessa sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...