CHAPTER 19

408 6 6
                                    

JOAN

"Mojow, sinusuot mo ba 'yong regalo k-, ni Mama sa'yo?" tanong ni Cee.

"O-" naputol ang sinasabi ko nang makapa na wala 'yon sa pulso ko.

Hala, nasaan na 'yon? Hindi ko naman hinuhubad puwera kapag naliligo ako.

Naku, nasaan na 'yon? 'Di ko napansin, nahulog kaya?

Sana nasa bahay lang, nakahihiya naman kay Cee at lalo na sa Mom niya kung nawala ko 'yon, I'm dead,  50k kaya 'yon, hindi birong pera. Kailangan ko 'yong mahanap as soon as possible.

"Ah e, naiwan ko sa bahay," Automatic na sagot ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang idea pero 'yon na nga ang nasabi ko sa kanya.

"Ah, sige, nakakapagtampo ka naman, hindi mo naman sinusuot,  ayaw mo naman yata talaga," sabi niya sakin na para bang nagtatampo nga talaga.

Paano nga kaya kung nawala, ano? Grabe, baka hindi na niya ako kausapin kahit kailan.

"Uy, hindi naman, naiwan ko lang talaga sa bahay," iniba ko na ang usapan para hindi na lumala ang pagsisinungaling ko.

Ano'ng gagawin ko?

Nagkuwentuhan kami nang nagkuwentuhan ni Cee at Phoebe hanggang sa dumating si Philip na nagyayaya sa restaurant part ng Serenity.

Napaisip nga ako kung bakit pero sabi naman niya may ipapakita lang siya sa akin. Ano nga kaya 'yon? Nakatatawa si Cee, parang gusto pang maki-usyosyo. Chismoso!

Pumunta na kami sa restaurant part ng establishment.

"Uh, just a second, Joan. I have one request," may request pa nga, kinakabahan ako. Parang may mangyayari ngayon. Ano kayang mayroon?

"What is it?" curious ako sa puwedeng mangyari.

"Can you close your eyes for a while until I say so?" Ano bang nangyayari? Hmmm... surprise?

Isu-surprise niya ako? Feeler ko naman. E pero bakit may pikit effect pa? Bibitayin na ba ako? Hindi naman siguro. 

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya. Hindi naman kasi sikreto na ang gwapo ng taong ito, maraming nagsasabi sa akin tapos may ganito pang effect. Wow, ano kaya? Dapat ba akong kiligin o 'wag na lang mag-assume dahil baka may ipapakita lang talaga?

Bigla ko tuloy na-miss 'yong mga best friends ko, 'yong totoo kong mga best friends na nasa ibang bansa na ngayon. Nakaka-miss ang girl talk namin about boys and all things fun. Ay, teka! pikit nga raw pala.

"Sure, sure," ginawa ko naman ang sinabi niya at naghintay lang ng mga mangyayari.

"No peeking, huh?" paalala niya.

Hindi na ako nagsalita at dinala na ako sa isang kuwarto na dama ko ang init..

Hala, nasaan kami? Nasa kusina? Sa sauna? May ganoon ba rito? 

Ay, wait, may naaamoy ako, amoy pagkain kaya baka nga nasa kusina nga kami. Pero bakit parang may naamoy akong... teka, alam ko ang amoy na 'yan e.

Suminghot ako habang nakapikit pa rin. Bulaklak? kailan pa nagkabulaklak sa kusina? Naririnig kong tumatawa si Philip. Hala! Ang lakas ng trip!

"Joan," seryoso ang tono ng boses niya.

"Ha?" Naku! baka paglutuin ako ah. Hindi ko specialty ang magluto. Mas magaling akong kumain.

"You can open your eyes now," pagbukas ko ng mga mata ko, napaganga ako sa nakita ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kuwarto. Wala kami sa kusina!

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon