CEE
Kinabukasan, ayos! Kasama ko si Mowee papunta kay Pao. Hindi na raw kasi pupunta sina Rie at Meg kaya sasama na siya.
"Hi, Mowee, miss me?" tanong ko. Wala lang, nagpapa-cute lang sa kanya.
"Hindi, magkausap lang tayo mga five minutes ago."
'Yan ang girlfriend ko, pambasag. Hindi na lang sabihin na, oo, miss kita, kailangan talaga realistic!
"Sasama ba talaga ako?"
"Oo, bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman, Tara na nga."
Nakarating kami sa lugar kung saan kasalukuyang may nagaganap na photoshoot, model nga kasi si Pao. Tahimik lang si Mowee habang naghihintay kami. Nag o-observe siguro ng paligid.
"Mowee, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman, si Yani, natatandaan mo ba s'ya?"
Tumingin ako sa kung saan siya nakatingin. Si Yani nga, ang paboritong artista ni Nika na kababata ni Mowee na nag-propose sa kanya no'ng mga bata pa sila, pero nabasted, buti nga!
"Ah, S-si Yani."
"Magkatrabaho pala sila ni Paoline."
"Oo nga eh."
No'ng matapos sila sa harap ng cameras ay lumapit sila sa amin.
"Pao!" sabi ni Pao.
"Joan? Long time, no see, kumusta?" sabi ni Yani kay Mowee tapos may yakap pa.
"Okay naman, kumusta rin?" sagot ni Mowee.
"Eto busy, katatapos lang ng photoshoot ng endorsement," sagot ni Yani.
"Ah, Yani, si Cee, boyfriend ko," sabi ni Mowee. Tumingin naman si Yani sa akin. Hello basted, ako 'yong boyfriend!
"Nice to meet you, pre," sabi ko.
"Cee... ah, nice to meet you, too," sabi naman niya.
"And friend ko s'ya," sabi naman ni Pao.
"Ah, nice, reunion pala 'to," sabi ni Yani habang nakatingin kay Mowee. Hinay-hinay, pre, baka matunaw.
"Oo nga, reunion ng childhood friends," sabi ko.
"Chill tayo do'n," sabi ni Pao habang tinuturo 'yong sofa sa isang sulok.
"Sige, sige," sabi ko.
Si Yani 'yong nasa kaliwang dulo tapos si Mowee. Katabi niya ako habang nasa kanang dulo si Pao.
Nagkuwentuhan tapos nagkayayaan lumabas at mag-bar. Kaya pumunta kami ng Serenity. Wala naman si Philip dahil nasa ibang bansa raw, nagbabakasyon.
Nagkukuwentuhan pa rin kami, si Mowee mukhang ang saya ng kuwentuhan kasama si Yani. 'Yong mga tingin naman niya sa girlfriend ko parang may malisya. Gusto pa rin niya?
Kung ano-anong napag-usapan nila. Teka nga, bakit ba sa kanila ako naka-focus eh nandito naman si Pao? Makapagkuwentuhan nga rin.
"Pao, hanggang kelan ka dito?" tanong ko sa kanya.
"Ah, I really don't know, 'yong manager ko ang may alam," sagot nya.
"Ah, sige, eh matagal na ba kayo magkakilala n'yang si Yani?"
"Not really, but I guess, we're already friends 'cause nagkakuwentuhan na rin kami. Hindi naman ito 'yong first time namin na magkasama sa photoshoot."
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...