JOAN
Sabi samin ni Phoebe, malapit na raw matapos ang photoshoot kaya sabi ng Kuya niya, dumeretso raw kami sa Serenity at do'n na magdi-dinner. Pakonswelo na siguro sa pagod namin. Hindi ko akalain na nakapapagod palang maging model. Natawa na lang ako sa isip ko sa mga pinagdaanan ko ngayon araw.
Akala mo kahit ano'ng pose na lang pero ang hirap pala. Totoo nga naman 'yong sinasabi nila na hindi mo malalaman na mahirap ang isang bagay hangga't hindi mo ito nasusubukan.
Kung sino mang pilosopo ang nagsabi no'n, siguro isa siyang trial and error na klase ng tao dahil tama siya.
Siya malamang 'yong go lang nang go para masubukan ang mga bagay-bagay at kapag nagkamali, subok uli hanggang sa matutununan na niya kung ano ang tama.
Maiba ako, kahit ang daming pagkain dito sa set, nagugutom pa rin ako, ewan ko ba! Hindi talaga ako mabusog.
Kaming tatlo ay sa kotse na ni Philip sumakay papuntang Serenity, sa driver's seat si Philip, sa passenger seat ako na katabi niya tapos si Cee ay sa likuran. Si Phoebe ay sasabay sa pinsan niyang si Emma dahil may pag-uusapan pa raw sila.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Serenity, 4 PM pa lang pero ang dami ng tao, may reserved seats na kami kaya wala kaming dapat ikabahala. Siyempre naman, kasama ba naman namin ang owner.
"Guys, I'll just check my staff inside, okay? Your reserved seats are over there. I'll send you food in a bit," paalala sa amin ni Philip at nagbadya nang umalis.
"Sige, pre," sabi ni Cee at ngumiti pa siya nang kaunti.
"Sige, Philip, thanks," sabi ko naman at pinilit ding ngumiti kahit na pagod sa mga nangyari kanina sa shoot.
Umalis na siya kaya kami naman ni Cee ay dumeretso sa table na may nakapatong sa ibabaw na "RESERVED," naupo na rin kami sa upuan.
"Napagod ka ba?" pag-uusisa sa akin ni Cee.
"Hindi naman masyado, ikaw ba?" simpleng sagot ko at umayos nang upo sa matigas na upuan.
"Oo, kaya, hay... napagsamantalahan na naman ang aking kawawang katawan. Masahihin mo naman ako, Mojow," sabi nya at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng dibdib na korteng ekis.
"Ang arte!" pang-aasar ko.
Tawa lang ang isinagot niya sa akin tapos hinawakan niya 'yong ulo ko na ikinagulat ko nang kaunti.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya pero umiwas siya sa direct eye contact.
"Wooo, ang init agad ah," sabi niya na pertaining sa ulo kong hawak niya sa kanyang mga kamay na kanina lang ay nasa kanyang dibdib.
"CEEra ulo!" depensa ko naman. Naabala kami bigla ng pag-ring ng phone niya.
"Aba, sino kaya 'to?" tanong niya sa akin, as if alam ko ang sagot.
"Ha?" tanong ko naman dahil bigla na lang siyang nagtanong.
"May tumatawag sa'kin," sagot niya at halata sa boses ang confusion.
Ipinakita pa niya sa akin 'yong phone screen niya na may tumatawag na unknown number.
"Sagutin mo kaya," suhestiyon ko.
"Oo nga, teka lang, Mojow," nagpaalam siya sandali para sagutin ang naturang tawag.
"Sige," simpleng sagot ko.
Tumayo siya at lumayo nang kaunti sa lugar kung nasaan kami, ayaw rin niya malamang na makaabala o puwede rin naman na ayaw lang niyang mabuking kung sakaling babae ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...