CEE
To: Mr. Christian Paolo Villonco
Good day! Maging good pa kaya ang araw mo kapag nalaman mo na hawak ko ang buhay mo? Oo, tama ka nang nabasa hawak ko ang buhay mo. At kapag nabuwisit ako sa'yo, may choice ako na guluhin ang buhay na mayroon ka. May magagawa ka ba? Oo naman, maging masunurin ka lang, wala tayong magiging problema. Nakabantay ako, sa'yo. Nakikita ko ang bawat galaw mo, kaya ingat ka!
FROM: ANONYMOUS
Hala, ano 'to? Threat? Galing kanino? Hindi ko ma-gets, sus! Baka naman nanti-trip lang. Ginusot ko 'yong sulat kasama ang envelope tapos itinapon ko sa trash bin.
Bakit naman pati may magpapadala ng threat sa'kin? Wala naman akong kaaway! Mga tao nga naman, 'di na lang mag-fruit ninja ng may magawa sa mga buhay nila. Baka naman nasa isang reality show ako na nampa-prank. Oh, sige, you got me, labas na ang mga camera.
Sabihin n'yong nabiktima ako ng show ninyo, dali! Pero kahit ano'ng hintay ko, wala naman, kahit nakapagtataka ay hinayaan ko na lang. And that's how my first day at work went. Naks! English! Nose bleed.
Sabay nga pala kaming umuwi ni Insan. Kaya 'yon, pinark ko na 'yong sasakyan ko tapos naglakad na lang ako papunta kina Mojow. Pagdating ko ro'n ay kumpol silang magkakapatid sa sala. Hindi ko alam kung bakit pero parang may tinitingnan sila or something.
"Grabe, ang galing naman," sabi ni Nika na para bang kumikinang ang mga mata.
"You guys are so cute," sabi ni Belle.
"Hi, guys! Ano'ng meron?" bati ko sa kanila.
"Nandito na 'yong photos natin last Saturday," sabi ni Mojow.
"Eh? Patingin nga," tiningnan ko 'yong mga photos then maya-maya ay nag-alisan na ang mga kapatid ni Mojow.
"'Saan ang burol?" tanong ni Mojow.
Inasahan ko na 'yan mula sa kanya dahil formal ang suot ko.
"Sa puso mo, patay na patay ako sa'yo e," sagot ko.
"Sus, korni!" sabi niya.
Tapos tinitingnan ko pa rin 'yong mga photos.
"Ang ganda mo naman dito, Mojow," tiningnan ko siya at sigurado ako na nag-blush siya. Uy, kinilig. Tapos inilipat ko na 'yong picture sa kasunod.
"T-thank you," sabi niya na medyo nautal pa nga. Nahihiya siguro sa sinabi ko.
"Ay, expected ko na 'yong sa'kin, 'di na ako nagulat," bawi ko naman para mapalagay na uli ang loob niya. Ganyan kasi talaga si Mojow, hirap tumanggap ng papuri.
"Jusko ko! Hopeless," sabi niya tapos napa-face palm.
Eh 'di tiningnan ko 'yong ibang photos... ayos naman, magaganda ang mga kuha. May isang photo nga ro'n na candid shot ni Mojow. Shet! Ang ganda niya kaya kinuha ko agad.
"Ops! Akin na lang 'to!" sabi ko bigla at itinago na ang picture sa loob ng coat na suot ko. May bulsa kasi sa loob sa may bahaging dibdib.
"Ano 'yan? Picture mo? Baka picture ko 'yan ah," sabi niya, bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Aanhin ko naman ang picture mo? Panakot sa daga?" panunukso ko sa kanya para hindi niya isipin na dinek'wat ko ang picture niya.
"Tse! Akin na nga 'yan," pagpupumilit niya sa akin. Alam niya rin malamang na picture niya 'yon. Hinablot niya sa akin 'yong ibang mga pictures.
"Pahiram, 'di pa 'ko tapos eh," angal ko habang binabawi 'yong mga pictures mula sa kamay niya.
"Kakasabi mo nga lang na maganda tapos panakot sa daga? Pupurihin ko pa naman sana 'yong pictures mo, 'wag na nga," sabi uli niya. Halata sa boses ang tampo, hay naku! Ang sensitive talaga ng mga babae!
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...