JOAN
"Walang mahabang kuwento kung sisimulan mo na ngayon. Boring e, bilis, para may mapag-usapan," sabi ni Cee sa akin.
Okay lang naman magkuwento. Wala akong nakikitang masama ro'n pero ang weird lang kasi kakakilala lang namin tapos ang dami na niyang alam sa akin tapos kuya pa siya ng pino-problema ko. 'Yong sitwasyon naman talaga ang problema, hindi mismong si Cheska.
"Demanding lang?" tanong ko. Nag-iisip pa rin ako kung magkukuwento nga ako.
"Sige na nga, nang maintindihan mo lalo ang sitwasyon," sabi ko kaya naman ngumiti siya. Lumiit tuloy lalo 'yong singkit niyang mga mata. Parang hindi na ako nakikita.
"Ganito kasi 'yan..." panimula ko.
Apat na taon na rin ang nakalipas. High school pa lang kami no'n...
"Mahal na mahal kita, Joan no'ng first year pa lang tayo pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sa'yo," payahag ni Kenneth na tumabi pa sa akin sa ilalim ng puno ng mangga. Nakatambay kasi ako do'n kasama ang kaibigan ko dahil mahangin at tahimik ang paligid.
"Aww, ako rin naman Ken, mahal kita," sagot ko. Halos maiyak ako dahil finally ay napansin din niya ako dahil matagal ko na rin siyang gusto.
"Ang ibig bang sabihin nito, tayo na?" tanong niya na nangingilid ang luha. Puno ng pag-asa ang tingin sa akin.
"Oo," sagot ko nang pagkatamis.
Naging kami no'ng araw na 'yon. Matagal na rin naman kaming magkaibigan at may gusto sa isa't isa kaya hindi ko na pinatagal. Matagal na rin naman siyang nagpaparamdam pero no'ng panahon na 'yon lang talaga siya nagsabi. Wala nang nangyaring ligawan. Sikreto man sa lahat ay naging maayos naman ang aming relasyon namin dahil mahal namin ang isa't isa.
Marami kaming mga pangako. Nangarap kami nang magkasama. Naniwala kami sa forever.
Sa 'di inaasahang pangyayari, lumipat ng tirahan si Kenneth sa Maynila. Tita na muna niya ang magpapa-aral sa kanya dahil nagpaplanong mangibang bansa ng mga magulang niya at mag-iipon muna ng pera. Kaya naman wala kaming nagawa kundi maging LDR o Long Distance relationship.
"Hon, 'wag kang mag-alala, magte-text at tatawagan kita lagi," sabi ni Kenneth sa'kin. Nagpipigil lang ako ng luha pero kapag nagtagal pa siya sa pagpapaalam ay hindi ko na ito mapipigilan.
Kasisimula pa lang ng lahat pero pakiramdam ko ay patapos na. Ewan ko ba kung bakit ganito ang tumatakbo sa isip ko pero hindi ko mapigilang mag-isip.
"Aasahan ko 'yan, hon, ingat ka," sagot ko habang tumutulo ang mga luha.
"Kaya natin 'to, ingat ka rin," ngumiti siya nang matamis at sumakay na sa jeep papunta sa terminal ng bus.
At 'yon na nga ang mga huling salita na narinig ko mula kay Kenneth bago pa man ito umalis.
No'ng una ayos naman dahil may text at tawag. Pero nang tumagal ay dumalang nang dumalang ang pagte-text at pagtawag ni Kenneth sa akin.
Nabalitaan ko na lang na may iba na siyang girlfriend. 'Yong pakiramdam na sana pinatay na lang niya ako dahil mas masakit pa do'n ang naramdaman ko. Bata man ako sa edad pero seryoso kong minahal si Kenneth kaya naman hindi gano'n kadali ang tanggapin na basta na lang niya akong iwan at ipagpalit sa iba. Hindi man lang niya ako kinausap kung ano nga ba talaga ang nangyari.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...