SEASON 2 - CHAPTER 7

199 4 0
                                    

CEE

Sa wakas! Sabado na! Medyo late na kami nakauwi ni Mowee kagabi from Serenity kasi after namin do'n ay dumaan pa kami ng Mcdo.

Ano naman kayang magawa today? Siya nga pala, nakahiga pa ako sa kama.

Hawakan mo ang kamay ko nang napakahigpit.

Pakinggan mo ang tinig

Ooh, 'di mo ba pansin?

Teka, ano 'yong tumutunog? Phone ko ba 'yon? Teka, kailan pa naiba ang ringtone ko?

Ikaw at ako, tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako, whoa-ohh, 'di na muling magkakalayo

Iginapang ko ang aking kamay sa kama para hanapin ang phone ko.

Sa tuwing kasama ka, wala nang kulang pa

Mahal na mahal kang talaga, tayo ay iisa

Nakuha ko rin sa wakas!

Aba si Mowee pala ang tumatawag. Kaya naman sinagot ko agad. Ano kayang meron?

"Good morning, Mowee!"

(Good morning, Mowee!)

(Nagustuhan mo ba ang bagong ringtone mo?)

"Sabi ko na nga ba eh."

Bigla ko tuloy naalala 'yong kagabi sa kotse no'ng pauwi na kami.

"Mowee, pa-text nga."

Binigay ko naman ang phone ko tapos a few minutes later ay ibinalik na niya sa akin.

"Oh, ayan na, thank you," napansin ko na pangiti-ngiti pa siya.

"Kaya pala, tawa ka nang tawa kagabi," sabi ko.

(Ayaw mo? Aww...)

"Uy, hindi ah, ang sweet nga eh," sabi ko tapos natawa siya.

(I know, right.)

"Bakit ka pala tumawag?"

(Ah, may gagawin ka ba today?)

"Wala naman, bakit?"

(Ah, ano kasi, darating mamayang gabi 'yong mga pinsan ko, get together daw kami, eh gusto ko sana mamalengke, p'wede mo ba akong samahan?)

"Ah, oo naman."

(Sige, see you in 30 minutes. S'ya nga pala, 'wag ka ng magdala ng sasakyan, mag-tricycle na lang tayo.)

"Sige, Mowee."

Tapos ibinaba na niya ang tawag. Kailangan ko na palang mag-ayos. Aba, siyempre, kahit sa palengke ang punta, dapat pogi pa rin.

20 minutes later ay pumunta na ako kina Mowee. Pagdating ko sa kanila, nasa labas na siya ng gate.

"Excited?" pang-aasar ko.

"May binyag ba, ninong?"

"Ha?"

"Bakit ka naka-polo?"

"Loko ka ah, alam mo na ang dahilan," sabi ko.

"Ah, dadaan tayong simbahan dahil may bibinyagan?" sabi niya.

"Mowee naman!" tumawa siya pero alam ko naman na inaasar lang niya ako kaya kunwari umepekto sa akin kahit hindi... medyo.

"Pero oo, excited nga ako, darating kasi ang mga pinsan ko,"

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon