SEASON 2 - CHAPTER 5

139 1 3
                                    

JOAN

"May sasabihin ako sa'yo," sabi ko sa kanya.

"Oh, ano 'yon?"

"Nandito si Yani last night."

"Ano? Bakit? Teka parang hindi ko alam 'yon ah."

"Teka lang, Mowee. Ginulat n'ya kasi ako, akala ko magnanakaw kaya 'yon, nahataw ko ng vase sa ulo. Nagkasugat siya, eh siyempre, alangan namang pabayaan ko, kasalanan ko ang nangyari. Kaya ginamot ko muna bago ko pinaalis."

"Okay ka lang ba? So, hindi totoo 'yong flying ipis?"

"Ah, okay naman, hindi totoo e. Sorry, Mowee! Ayoko lang naman na mag-alala ka kasi problema ko naman kasi 'yon."

"Mowee, lalo mo akong pinag-aalala dahil ngayon ko na-realize na parang hindi mo ako kailangan. Mowee, boyfriend mo ako at handa kitang tulungan sa mga problema mo."

"Mowee, kailangan kita, ayoko lang ma-stress ka ng dahil sa 'kin. Pagod ka na nga sa trabaho tapos ma-stress ka pa sa akin, 'di ba?"

"Kailan man hindi ka naging stress sa akin. Mowee naman, isali mo naman ako sa mga bagay na ginagawa mo. Kaya nga ako nandito, para damayan ka."

"Mowee ba't parang ang drama na natin? Ang OA na."

"Oo nga, nakakapagod mag drama. Ayoko na, bukas uli," sabi niya kaya natawa kami parehas.

"Akala ko, totoo na."

"Hoy, Mowee! Seryoso ako, sabihin mo sa 'kin 'pag may nangyari uli na ganito."

"Okay, galit ka ba?"

"Oo, galit na galit. Tingnan mo 'yong mukha ko, hindi na maipinta."

Hinawakan ko 'yong magkabila n'yang pisngi gamit ang dalawa kong mga kamay. Nagsalubong ang aming mga mata.

"Ang gwapo naman e, hindi naman galit sa akin. 'Wag na kumunot ang noo, kahit painter mahihiyang i-paint ka dahil baka hindi makuha ang perfect look mo, Mowee."

"'Yan naman ang totoo, Mowee," sabi niya. Hinampas ko siya nang mahina sa noo dahil ang kulit niya.

"Ang yabang mo!"

"Ikaw kaya ang may sabi na ang gwapo ko."

"Oo nga, 'wag mo masyadong i-feel, baka naman sobrang lumaki ang ulo mo, lumutang ka na parang lobo,"

"Hindi ano, baka tumaba lang 'tong puso ko. Kanina pa gustong mag-cart wheel."

"Yee!"

"I almost forgot. Gumawa ako ng leche flan."

"Talaga? Wow naman, Mowee. Nasaan na? Lantakan na natin, dali."

"Ay, wala na pala, Mowee."

"Mowee, na-excite na ako, ilabas mo 'yang leche flan, ngayon na!" sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay.

"Ito naman, hindi na mabiro. Eto na nga."

"Na-miss ko 'to!"

"I know, right, kaya nga kita ginawan."

"Thank you, ha? Lagi mo na lang akong pinapasaya. Ako ba napapasaya ba kita, ha?"

"You are always welcome. Masaya na ako, Mowee, 'pag masaya ka. Kaya dapat palagi kang masaya para masaya rin ako."

Aww! Ang sweet naman! Ano ba 'yan? Kinilig ako bigla kay CEEra ulo!

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon