CHAPTER 36

240 2 0
                                    

CEE

Lunes ay nasa office na ako at wala masyadong trabaho kaya ito ako ngayon nakatulala sa picture ni Mojow. 'Yon bang nakuha ko sa kanya no'ng huli namin magkita, ang candid shot niya galing sa photoshoot para sa online store ni Phoebe.

Gustong-gusto ko na talaga siyang puntahan at sabihin sa kanya na 'MISS NA MISS KO NA SIYA'.

Mas malayo ako sa kanya, lalo kong nararamdaman kung gaano siya kahalaga sa akin.

May narinig ako na may pumalakpak, pero hindi basta random dahil may bilang, tapos hinampas 'yong lamesa at marami pang iba't ibang tunog.

Ay! Ano 'yong naririnig ko? Parang may humahampas ng lamesa, may nagwawala ba? Umagang- umaga naman yata, teka, nandito ba si Alex? Lumingon ako sa kaliwa't kanan, sa kisame at sa sahig para i-check.

Tapos biglang may kumanta... Si Boss pala. Ano'ng ginagawa niya? Pumapalakpak tapos may baso pa.

[Nasa side bar 'yong link ng kanta]

♪♫I got my ticket for the long way 'round

*Pak, pak, pak*

Two bottle 'a whiskey for the way♪♫

*clap, clap*

*Tok, tok, tok*

♪♫ And I sure would like some sweet company

*Tok, Tok, tok* *Tok, tok, tok*

And I'm leaving tomorrow, wha-do-ya say?♪♫

*clap, clap*

*Tok, Tok, tok* *Tok, tok, tok*

"Boss, anon-" pinutol niya sasabihin ko.

Tuloy pa rin siya roon sa cup.

"Cups by Ana Kendrick, 2012 from the movie pitch perfect," sabi niya.

Ipinagpatuloy niya lang ang pagkanta at paghampas ng cup.

♪♫ When I'm gone , When I'm gone

You're gonna miss me when I'm gone ♪♫

♪♫ You're gonna miss me by my hair

You're gonna miss me everywhere, oh ♪♫

♪♫ You're gonna miss me when I'm gone

Hanep ah, ano ito? Patama sa akin dahil miss na ako ni Mojow? Oh, God help me, malapit na akong sumuko.

Malalampasan ko rin ito! Peste kasi 'yan eh. Malaman ko lang talaga kung sino'ng may pasimuno ng lahat ng ito, naku, patay siya sa akin.

Miss na kaya ako no'n? Hay... kilala ko 'yon eh, humahaba ang nguso kapag naaasar! Eh, pero ang cute pa rin niya kahit ganoon.

"Cee, may naghahanap sa'yo sa labas ng office," sabi ng isang HR staff na kasamahan ko.

"Sige, salamat," sabi ko tapos ngumiti sa kanya.

Ayaw kong maging malisyoso pero nakita ko talaga na nag-blush si ate na nagsabi sa'kin noong nginitian ko siya.

"Boss, lalabas lang ako, saglit lang, ha?"

"Sige," sabi niya habang may tina-type sa kanyang computer, ni hindi siya tumingin sa akin.

Lumabas na ako para malaman kung sino nga ba ang bisita ko. 'Di kaya si Mojow? Hindi na nakatiis kaya siya na ang pumunta sa akin? Nakaka-excite naman! Sa wakas makikita ko na uli siya nang malapitan.

"Mo-" ay, hindi siya. Ka-badtrip naman!

"Long time, no see, Cee, I miss you," sabi niya, ang laki pa ng ngiti sa akin. Si Vanessa pala ang bisita ko, akala ko si Mojow na! Badtrip! Nakaka-disappoint!

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon