CHAPTER 39

283 4 3
                                    

JOAN

Nang nahimasmasan ako ay tumayo na mula sa pagkakaupo sa gater. Lintik na mga mata ito, may problema yata kasi ayaw tumigil kaluluha!

At ang puso ko, bakit ganito, kumikirot? Asa naman na dahil sa sira ulong 'yon! Hindi na niya deserve ang mabanggit sa kahit ano'ng sentence.

Ayaw ko munang umuwi dahil sobrang pula na ng mga mata at ilong ko. Mapapansin ng lahat ng tao sa bahay kapag umuwi akong ganito.

Wala akong balak sabihin sa kanila ang nakita ko sa pictures hangga't hindi nagpapaliwanag ang isang 'yon na mapapatay ko kapag nakita ko. Pumunta na lang ako sa Mcdo para makapag-isip.

Pero nang makuha ang McFloat ay lumabas na rin ako at naglakad. Nagbabanta naman na tumulo ang mga luha ko pero pinigilan ko na. Aba, ang OA na sa pagbagsak! Sapakin ko kayong lahat e kapag bumagsak kayo!

Dumeretso ako sa lugar na hindi ko rin maintidihan kung bakit ko pinuntahan pero dito ako dinala ng mga paa ko. May alaala rin kami rito ng sira ulong 'yon!

Naupo ako sa isang sulok at gustong magsumbong sa Diyos na ipapasagasa ko sa pison ang lalaking 'yon!

Pero hindi ako maka-focus dahil kung ano-ano'ng mga alaala ang pumapasok sa isipan ko.

"Dito talaga?" tanong ko. Nagtataka kung bakit nandito kami sa lugar na ito.

"Bakit hindi?" balik na tanong niya. Parang nainsulto pa nga siya sa tanong ko.

"Buti hindi ka nasunog," bulong ko.

"May sinasabi ka ba?" tanong niya na may pagkamasungit.

"Wala! Sabi ko nasa bokabularyo mo pala ang simbahan," nakaupo kami ngayon dito sa may bahaging likuran ng simbahan.

"Wala kang pakialam," sabi niya. Aba! Ang sungit nito ah! Nasaan ba 'yong pison ko?

"CEEra ulo," nakakaasar kasi e!

"Ikaw ang kauna-unahang babae na nagsabi sa akin n'yan," whoa. Biruin mong ako pa nga ang babaeng pinagpala. Ehem, sarcasm!

"Talaga? Biruin mong ako lang pala ang hindi bulag," panunukso ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Hindi, ikaw lang 'yong walang taste," May taste ako at hindi ka kasali ro'n.

"Ako, walang taste?" tanong ko. Tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo, wala kang taste," sigurado siya sa sinasabi niya, lalong nakakabuwisit.

"At bakit naman?" Na-curious na rin ako sa hambog na 'to.

"'Wag kang sumigaw, mahiya ka nga sa ibang nagsisimba," paalala niya. Kaya hininaan ko 'yong boses ko dahil nahiya ako bigla sa inasal ko.

"Bakit naman ako walang taste, ha?" Ulit ko ng tanong sa mukha niya.

"Dahil wala pang babae ang umaway sa akin dahil isang tingin ko pa lang sa kanila, napapa-ikot ko na agad sila sa mga kamay ko," pag-amin niya at tumingin sa altar. Hay... bakit ba may lalaki na ganito?

"Puwes, hindi ako sila, yuck, ha?"

Hindi ko akalain na dito ako babalik sa lugar kung saan sinabi ni Cee na baka matulungan niya ako sa problema ko. 'Yong epic fail na siya ang pinoproblema ko ngayon.

Nakabubuwisit aminin pero mukhang sigurado na ang baliw kong nararamdaman, mahal ko ang CEEra ulo! Buwisit na buhay ito!

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko, gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung paano, at kapag naririnig ko ang pangalan niya ay kumakabog ang dibdib ko at kahit hindi ko siya kasama ay siya pa rin ang naiisip ko.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon