JOAN
Pagdating sa Serenity, tiningnan ko ang paligid para hanapin si Mowee, nasaan kaya sila?
Wala sila sa bar area, cafe, kaya baka naman nasa restaurant. Tama, baka naman nag-e-emote na naman at puwede nang manalo as best actress in a pretending role.
Winner na winner siya ro'n, sa galing niyang umarte.
Gano'n din ang ginawa ko, hinanap ko sila sa buong lugar, nakita ko si Phoebe sa may bar at nakita ko rin ang ulo ng diyosa na nakapatong sa dibdib ng Mowee ko.
Asar! Nakakaasar, sobra! Nakakabagabag naman ang nakikita ko.
Sa sobrang caring at bait na kaibigan ng boyfriend ko, nauuto na siya. Ayaw kong makialam pero kailangan na. Kaya naman lumapit na ako sa kanila.
"Hi, Mowee," sabi ko. Hiya-hiya rin Paoline kapag may time. Nandito na po ang girlfriend ng dinadramahan mo, ah, este, iniiyakan mo.
"Oh, Mowee?" sabi niya. Gulat siya ngayon. I need to save him right here, right now.
"Joan," sabi ng diyosa. Tapos ngumiti siya sa akin. Ngiting kontrabida. Sinampal ko siya nang kaliwa't kanan.
"HOW DARE YOU!" sigaw niya.
"DARE ME," sabi ko.
"Teka lang, awat," sabi ni Mowee.
Umaapaw sa espirito ko ngayon ang kaluluwa ni Miss Bella Flores. 'Yong tipong sa sobrang taray na mas mataas pa sa noo ang kilay.
ERASE. ERASE. ERASE.
Hindi ko puwedeng sampalin na lang bigla ang isang ito. Siguradong hindi matutuwa si Mowee. Kaya para pigilan ang sarili ko, naupo na lang ako sa tabi ni Mowee.
"Naiwan mo ang phone mo sa bahay," sabi ko. Inabot ko na sa kanya ang phone niya. At ito ang pinakasusi ng pagpunta ko sa Serenity.
"Thanks," sabi ni Mowee at ngumiti sa akin.
"What seems to be the problem?" tanong ko.
Wala namang masamang magtanong. Gusto kong malaman kahit alam ko na ang sagot, gusto kong manggaling sa kanya.
At English 'yon, teka, baka ma-nosebleed ako.
"Eh 'yong boyfriend kasi ni Pao, lagi s'yang hina-harass. Naku, kung inabutan ko 'yon kanina, inupakan ko na 'yon."
'Yang si Paoline ang uupakan ko. At isa pang as if, nandito nga 'yong lalaki na 'yon. Puwede nang maging fiction writer 'yan sa sobrang galing mag-imbento ng kuwento.
Ewan ko nga kung nag-e-exist talaga 'yong sinasabi niyang boyfriend. Wala na akong ganang maniwala sa babaeng ito.
Bigla ko na namang na-miss ang mga sistars ko!
"Ano palang pangalan ng boyfriend mo?" tanong ko. Tingnan natin kung may handa siyang pangalan.
"Terrence Paolo, but I call him TP," sabi niya. TP... parang familiar. Wait parang nakilala ko na.
"Wait, matangkad, tanned skin, singkit, medyo long hair?" tanong ko. Siya 'yon, no'ng nag-reunion sina Mowee kasama 'yong mga elementary classmates nila.
"Miss, alone?" tanong niya.
"No," sagot ko.
"Okay,"
"They are just at the other table," sabi ko sabay turo sa kanila.
"Ah, you're with them, I see," sabi niya tapos tumingin siya kina Mowee at Paoline sabay balik ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...