JOAN
Isang linggo matapos ang pagpunta namin sa Baguio, ramdam ko pa rin ang pagod. Hindi pa kasi ako nakapagpapahinga nang todo dahil may klase ako kinabukasan.
Pagkatapos naming mag-spin the bottle at kumain ay nag-usap kami ni Ken sa balcony. Matagal ko nang gustong gawin 'yon dahil kahit ako, naguguluhan na sa nararamdaman ko.
"Bes, usap tayo," sabi niya nang nakatitig sa mga mata ko.
"Ah... sige,"
Umupo ako sa upuan na nasa kanang bahagi ng lamesa sa balcony habang siya naman ay nakatayo at nakatalikod.
Nakadantay ang dalawang kamay hanggang braso sa semento ng railings ng balcony, pinagmamamasdan ang madilim na kalawakan.
Napabuntong hininga ako dahil hindi magiging madali ito para sa akin. Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga kaya naman ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Bes, ang ganda rito, 'no?" kaswal kong sabi sa kanya habang nakatingin sa direksyon kung saan siya naroon.
"Oo nga e," sagot niya pero hindi pa rin tumingin sa kung nasaan ako.
"May problema ba, bes?" tanong ko sa kanya. Bago ko pa man sabihin ang dapat kong sabihin, ayaw ko nang makadagdag sa bigat ng damdamin niya dahil kaibigan niya ako, dapat pinapasaya ko siya.
"Bes, kailangan natin nang kaliwanagan," sabi niya at unti-unti siyang humarap sa akin. Mukhang naramdaman na niya ang sadya ko sa pagpunta rito.
"Kaliwanagan?" tanong ko kahit alam ko ang sinasabi niya.
"Sa relasyon na meron tayo," sagot niya at tuluyan nang umupo sa upuan sa harapan ko.
"Mag-best friend, ah," sagot ko nang pabalang. Hindi ito madali sa akin dahil minahal ko ang lalaking 'to pero kung ito lang ang paraan para maging tuluyan na siyang maging masaya ay hindi ko 'yon ipagkakait sa kanya.
"Alam ko, Joan na para sa'yo, hindi ako basta kaibigan lang, hindi naman ako bulag at lalong hindi ako manhid. Alam kong mahal mo pa rin ako," hindi ako nakapagsalita.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso na pag-usapan 'yong tungkol sa amin. Pero ewan ko ba, these past few days, hindi ko na siya masyado iniisip. Dahil na rin siguro kay Cee at Philip. Pero siyempre bukod do'n sa paglayas niya dahil alam ko na minsan nauuna ang emosyon niya kaysa sa isip, kung ano-ano ang maiisipan niyang gawin.
Noon kasi ay mag-best friend talaga kami pero talo ko pa ang girlfriend niya kung initindihin siya.
"Ano ka ba? Wala na sa'kin 'yon, ano?" sabi ko pero halos maiyak na ako. Pinipigilan ko lang talaga dahil ayaw ko naman na mahirapan pa siya.
Pero hindi ko itatanggi na naisip ko rin na tama na 'tong katangahan na 'to at kotang-kota na ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumayo sa harapan ko.
"Alam mo naman na mahal ko si Cheska, 'di ba?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. Sige na, Joan, itodo mo na hanggang sa mawala na.
"Oo, alam ko, Ken, mahalaga ka sa akin Ken... mahal kita, alam mo 'yan," sabi ko habang nagpipigil ng luha.
Mahal ko naman talaga siya dahil matagal na kaming magkaibigan ng isang ito. Naniwala lang kasi ako na posible na magkaroon uli ng "kami" pero mukhang malabo na talaga.
"Akala ko ba-" bakas sa mukha niya ang pagka-irita.
"Mahal kita dahil kaibigan kita at mahalaga ka sa akin dahil hindi kita kayang mawala sa buhay ko," dagdag ko habang umaagos na ang luha sa aking mga mata kaya napatungo na lang ako.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...