JOAN
Kinabukasan ay medyo late na akong nagising. Pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay may isang bagay agad akong hinanap.
Nasaan 'yong bokey ko? Baka mamaya panaginip lang pala ang lahat, nasaan na 'yon?
Hanap sa side table... wala! Hanap sa ilalim ng kumot... wala! Nasaan na ang nag-iisang patunay na totoo 'yong nangyari kagabi?
Nasaan na 'yong bokey ko? Panaginip lang ba ang lahat? Teka, nasaan 'yong suot ko kagabi?
Hinanap ko sa laundry basket pero wala, nasaan na? Lalabas na sana ako ng kuwarto pero napatigil ako sa may pinto dahil may nabangga 'yong mga paa ko.
Pinulot ko agad at Isa nga pala siyang square shaped na kahon na kulay yellow, may red ribbon at may card. Binasa ko agad laman ng card.
To: You
Good morning, Mojow!
Naglalakad ako sa beach kanina at nakita ko ito, ikaw ang una kong naisip kaya pinulot ko agad.
From: Me
Pagbukas ko ng box ay may nakita akong shell na hugis puso. Ang cute! Sure na ako, hindi ako nananaginip kagabi. Siya nga pala, dumeretso ako sa paglabas ng kuwarto at dinala ko na rin ang box. Nandito na ako ngayon sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Cee, nandito kaya siya? Kakatok na sana ako pero may nagsalita naman sa left side ko sa 'di kalayuan.
"Good morning, Mojow!" sabi ni Cee nang buong galak.
Galak talaga! Eh paano ba naman nakangiting-nakangiti sa akin. Hindi ko tuloy makita ang mga mata niya sa sobrang singkit.
"Good morning," simpleng sagot ko.
"Bakit parang ang lungkot mo naman, Mojow? Umagang-umaga, alam mo bang malas 'yan?" Sabi niya kaya napakamot ako sa ulo. Hindi ako sumagot at dahil doon ay hinatak niya ako, loko 'to, ah!
"Saan tayo pupunta, Cee?"
"Sa restaurant,"
"May problema ka ba, Mojow?"
"Wala naman," hindi ko yata kayang sabihin, baka kasi mapahiya lang ako!
"Eh, bakit parang ang lungkot mo yata?"
"Ah, may itatanong ako sa'yo,"
"Ano ba 'yon?" tanong niya habang tumitingin ng o-order-in sa menu.
"May nangyari ba kagabi?" tanong ko.
"Nangyari? Sa atin?" muntik ko na siyang mabatukan sa sobrang lakas ng boses niya.
"Oo, sa atin, 'di ba may ginawa ka?" tanong ko.
Kasi naman, nawala 'yong paper flowers na may pastillas at damit na suot ko kagabi kaya palagay ko, hindi talaga nangyari. Grabe naman kung panaginip lang 'yon! Mukha talagang totoo!
"Wala, mukha ba kong kaladkarin, Mojow?" Hay! Hindi 'yon! Napaka-green minded ng loko!
"CEEra! Hindi 'yon!" sabi ko sa kanya pero parang wala talaga siyang idea sa sinasabi ko.
"Eh, ano ba?" tanong niya. Naku! Deretsahan pa talaga ang gusto! Asar!
"'Yong yate, ukelele tapos kinantahan mo pa nga ako," bulong ko.
Oh, ayan sinabi ko na nga, siguro naman gets na niya. Bakit ba kung kailan ang awkward ng usapan, doon naman bumabagal ang isip niya?
"Ano?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...