PROLOGUE

2.4K 21 6
                                    

Sa buhay masuwerte na tayo kung maramdaman natin kahit isang beses ang tunay na pag-ibig. Hindi lahat ay pinapalad na maramdaman 'yon. Kaya kung isa ka sa mga pinalad, magpasalamat ka sana.

Minsan nand'yan na ang tamang tao para sa atin pero hindi natin kayang aminin ang totoo dahil natatakot tayo sa maraming bagay tulad na lang ng  masaktan. Hindi na natin kayang magtiwalang uli dahil may nakawasak na ng puso.

Pero minsan ba ay naisip natin na maaaring nasaktan nga nang unang beses, pero mapipigilan ba ng isang beses na 'yon ang sistema na huwag magmahal muli? Na huwag magtiwalang muli?

Mahiwaga ang pag-ibig at marami itong nagagawa na hindi natin akalain na posible. Sabihin nang nasaktan tayo, siguradong lalo nating makikilala ang ating sarili dahil sa sakit na 'yon. Malalaman natin kung ano ang kaya nating gawin kapag nasaktan tayo at ganoon din kapag sobra ang ligaya ng ating puso.

'Yong pakiramdam na handa na tayong magtiwala at magmahal muli pero ang unang tanong sa isip natin ay kung nasaan na nga siya o kung naiisip man lang ba niya tayo?

-o-

Ayaw kong maalala ang mga nangyari dahil winasak no'n ang puso ko.

Makulimlim na ang langit kaya pinagpawisan ako bigla dahil parang uulan. Makalipas ang ilang minuto, umulan na nga kaya wala na akong nagawa, nakisilong muna ako sa Mcdo. Sarado kasi ang katabi niyang ukayan na puwedeng kong masilungan. Wala rin naman akong dalang payong para sumugod sa ulan.

Hay naku!

Naupo ako sa isang sulok ng kainan at pinipilit na walang maramdaman na kahit ano. Wala naman talaga akong balak umorder kaya lang parang may inside force na nag-udyok sa akin na pumunta sa counter at bumili ng pagkain na matagal ko ring hindi natikman.

Order? Ano ba ang dapat kong order? Chicken burger? Fries? Sundae? Spaghetti?

"Isang McFloat..."

"Meron pa po ba?" tanong niya nang ma-punch na sa computer sa kanyang harapan.

"Wala na," sagot ko.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon