JOAN
Kinabukasan ay nasa loob ako ng bahay, mag-isa, forever alone!
"Hello, anybody home?" sigaw ng isang boses babae sa labas ng bahay.
"Ano po 'yon?" sigaw ko habang naglalakad palabas.
Teka, tanghaling tapat talaga? Ano'ng meron? 'Di kaya budol-budol 'to? H'wag kaya akong lumabas? Mag-isa pa naman ako rito.
Ah, eh pero paano kung hindi naman pala masamang loob? Kawawa naman kung sino man 'yon at baka may kailangan.
Sa sobrang curious ko kung sino ang nasa gate ay lumabas ako para tingnan.
Kalalabas ko pa lang sa pinto namin e nagsalita na uli 'yong tao sa gate, mukhang harmless naman dahil boses babae kaya lumapit na ako.
"Hey! I'm your new neighbor, Phoebe, my mom wants to know kasi if we can borrow your can opener because ours is nando'n pa sa old house namin and we badly need it na e wala naman mautusan to buy," sabi niya sa akin.
"Hello! Pasok ka muna," binuksan ko 'yong gate tapos pinapasok ko siya pero bago kami pumasok e sinarhan ko na uli 'yong gate.
Ang cute niya! Grabe! Para siyang manika na nabuhay. Tama lang ang height, mistisa, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang mga labi, brown ang buhok niya na kulot ang dulo at naka-full bangs tapos slim siya.
Naka-tank top siya na pink at shorts na purple, naka-tsinelas na yellow na halatang mamahalin. Hindi naman siya mahilig sa shocking na kulay, ha!
"Ah, can opener?" tanong ko uli sa kanya just to make sure.
"Yes,"
"Wait lang, ha?"
"Sure, go ahead,"
Pumasok ako ng kusina at pagbalik ko, inabot ko agad sa kanya 'yong hinihiram niya.
"Thank you. I'll return it tomorrow," sabi naman niya habang nakangiti sa akin. Ka-cute na bata!
"You're welcome, malapit na nga pala ang birthday ko and I want to invite you and your family," I think 'yon na ang right time to know the new neighbors.
"Wow! Advance Happy Birthday to you!" bati niya sa akin kaya naman ngitian ko siya nang malaki.
"Thank you, isama mo na rin 'yong kuya mo at parents n'yo para ma-meet niyo rin 'yong iba nating neighbors," sabi ko sa kanya.
"I'll tell them, I'll go na, mom is waiting for this na," paalam niya at ngumiti pa sa akin.
"Sure, kuwentuhan na lang tayo soon."
"Sure, see you! What's your name pala?"
"Joan," simpleng sagot ko.
"Oh, nice meeting you, Joan, I'm Phoebe,"
Tuluyan na siyang umalis pagkatapos niyang sabihin 'yon. Napangiti na lang ako sa cuteness niya.
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na kaarawan ko na pala.
"Happy Birthday, bes!" sabi ng isang boses na narinig ko, pikit pa ang mga mata ko habang nakahiga sa kama ko.
"Hoy, Mojow, happy birthday!" sabi pa ng isang boses.
Napamulat ako sa ikalawang nagsalita. Napa-upo ako sa kama. Teka, bakit nandito ang isang 'to?
"Oh, Cee? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko agad sa kanya. Hindi ko na nagawang bumati sa sobrang gulat.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...