CHAPTER 20

421 6 1
                                    

CEE

Bakit ang pikon ng isang 'yon? Pumasok lang siya sa restaurant kasama si tisoy, binigyan lang siya ng bulaklak, tapos may manliligaw lang siya, pikon na agad? 

Biglang hindi na siya puwedeng asarin? Ano kaya 'yon? Hindi kami nagkakaintindihan. 

Akala yata niya, hindi ako naniniwala na puwede siyang magustuhan ni Philip e samantalang ako nga rin, gusto ko siya.

Inamin ko na, gusto ko siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil mali ang akala niya o maaasar ako dahil sinigawan pa niya ako at napikon pa siya.

Sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi naman siya ganoong klase. Dinaan ko na nga lang sa fake laughs at smiles kahit masakit sa loob. 

Biruin mo, 'yong babaeng gusto ko ay nililigawan na ng iba tapos ang tangi kong nasabi ay 'congrats, congrats.'

Tapos galit pa siya sa akin ngayon dahil akala niya, iniinsulto ko siya. Pambihirang buhay naman ito. 

Kung sabihin ko naman sa kanya na gusto ko siya, e 'di lalong hindi naniwala 'yon ngayon. Mas okay na siguro ito. Makalipas ang 30 minutes ng katahimikan ay talagang nagtitiis siya na hindi magsalita sa sobrang asar sa akin.

"Mojow," mahinahon ako at nangungusap.

"Ano?" nakasigaw na naman, ang init pa rin ng ulo niya. Mayroon siguro siyang dalaw ngayon.

"Galit ka pa rin?" e kasi nakasimangot pa rin siya.

"Bakit?"

"Wala, baka kako gusto mo ng float," tumahimik siya saglit tapos bigla siyang nagsalita.

"Ayoko,"

"Sure ka?" alam ko na 'yon ang weakness niya at 'yon lang ang magpapalamig ng ulo niya. Ang babaw niya!

"Nakakatamad," sabi ko na e. Gusto niya, tinatamad nga lang siya.

"Teka lang," sabi ko at tumayo na.

"Where are you going, Cee?" tanong ni Phoebe.

"Somewhere," umalis na muna ako sandali. Gusto kong bumalik ang ngiti niya at alam kong 'yon lang ang tangi kong magagawa sa ngayon. Mababaw pero alam ko na kahit 2 seconds lang na ngiti, okay na ako.

Sumakay ako sa kotse ko, nag-drive papunta sa pinakamalapit na Mcdo. Nag-park sa tagiliran ng bangkong katabi nito.

"Get off me!" sigaw ng isang babae sa 'di kalayuan.

"Sige na, miss, alam ko naman gusto mo rin," sabi ng isang lalaki na parang nakainom ang boses.

"Get off my sistar or I'll kick your ass," sigaw uli ng isang babae.

"Sexy! Tara sa bahay ko," nasaan ba ang mga loko na 'yon?

"Perv!" Hindi ko na natiis. May kailangan ng tulong kaya lumapit na ako sa kanila.

"Pre, tama na 'yan," simpleng sabi ko.

"Wala ka ritong business, pre," ang daming sinasabi, siguraduhin lang niya na kaya niyang panindigan.

"Please help us whoever you are," sabi uli no'ng babae.

"Natatakot na 'yong mga babae oh, 'di ba kayo naaawa?" playing cool lang ako sa harapan nila.

"Hindi, 'wag ka nang makialam dito," ang angas naman ng isang 'to.

"Teka lang pre, para wala ng gulo, share-share na lang tayo," sabi pa ng isa.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon