CHAPTER 8

628 4 4
                                    

JOAN

"Let me think about it ka r'yan, gawin mo na lang," sabi ko sa kanya.

"Ano kayang mangyayari sa kanila, ano?" tanong niya sabay tawa.

"Ewan ko nga ba," sagot ko.

"Ayaw kong manisi pero nagmadali, 'yong mga gano'ng bagay naman ay  nakakapaghintay," sabi niya at seryoso pa ang mukha, walang bahid ng pagbibiro sa tono. Wow, 'yon naman ang tama, biruin mong galing sa kanya 'yon.

"Wow ha, sa'yo talaga nanggaling 'yan?" panunukso ko sa kanya. Puro kasi kalokohan ang alam niya tapos bigla siyang nagseryoso.

"E totoo naman, 'di ba?" tapos tumingin siya sa akin.

"Bakit ikaw ba may experience ka na sa sex, ha?" Uminit bigla ang pisngi ko, e kasi naman ang awkward no'ng tanong niya sa akin kahit na wala naman akong experience.

"Wala," wala pa nga akong first kiss. No'ng kami kasi ni Kenneth e lagi naman kaming nasa school kaya walang chance. Chance talaga? Ba't parang nanghinayang pa ako? Ay! Nakaloloka!

"Ah, teka... nabanggit ko lang ang sex e nagmukha ka ng kamatis d'yan, Mojow," natatawa niyang sabi.

"H'wag na kasi nating pag-usapan 'yan," sabi ko sa kanya. Ang awkward kaya!

"E, bakit naman?" Bakit ba kasi ang tigas ng mukha ng isang 'to? Siguro ang dami ng experience nito.

"Ano'ng dapat nating gawin?" bigla kong tanong para maiba ang usapan.

"Wala," simpleng sagot niya na ikinabahala ko.

"Wala talaga?" e kasi akala ko tutulong kami or something.

"Oo, hayaan natin sila," hmm... seryoso na ba siya?

"Sure?" paninigurado ko at baka nanti-trip na naman ang isang 'to.

"Oo, pinasok nila, kaya nila 'yan," well, may point naman siya ro'n. Kung sabagay, desisyon naman talaga nila as a couple.

"Maiba ako, nag-aaral ka pa ba, ha?" tanong ko.

"Graduate na ako, kaka-graduate ko lang last March," oh I see, aba, biruin mong college graduate na pala ang isang 'to!

"Talaga? Naka-graduate ka?"

"Grabe ka naman! Ano'ng tingin mo sa akin, pogi pero walang kinabukasan?" naisingit pa talaga niya 'yong pogi! Talaga naman!

"Hindi naman, may trabaho ka na?" tanong ko uli sa kanya.

"Wala pa nga,"

"Bakit naman?"

"Nag-aapply pa 'ko, naghihintay ng tawag from companies,"

"Ah, gano'n,"

"E teka, ikaw ba?"

"Nag-aaral pa ako, 2nd year, BSBA,"

"Ah, business-minded, bakit 'yan ang kinuha mo?"

"E kasi gusto kong magka-business sa future, pero bago 'yon, gusto ko munang magtrabaho sa isang magandang kumpanya," napangiti tuloy ako sa kanya.

"Nice," gumanti naman siya ng ngiti sa akin.

"E ikaw pala ano'ng natapos mo?" na-curious na tuloy ako.

"BS Psychology,"

"Psycho ka?" seryoso ba siya? Nakatatawa! How ironic!

"Psych," pagtatama niya sa sinabi ko.

"'Di ba yan 'yong sa mga baliw?" 'Yon kasi ang pagkakaalam ko gawa sa mga napapanood ko sa k-dramas at movies.

"Kapag psych, baliw agad?"

"E, ano ba?"

"Puwede kaming maging teacher,"

"Ikaw teacher, 'di na ako papasok sa klase dahil siguradong wala akong matututunan sa'yo," panunukso ko sa kanya pero hindi naman siya nagpatinag sa akin.

"Sobra ka naman! Pero puwede rin kami sa Guidance office as counselor,"

"Ikaw Guidance Counselor? No way, baka kung ano pang matutunan sa'yo ng mga estudyante,"

"Maka-no ka naman. Pero puwede rin na doctor kung itutuloy ng medicine," Nice one! Puwede pala 'yon!

"Wow, e magme-med ka ba, ha?" magkakaroon pa nga yata ako ng kaibigan na doktor.

"Hindi, wala akong planong maging doctor,"

"Ah, e ano'ng plano mo sa buhay?" Meron nga kaya?

"Ang last option, sa Human Resource, 'yon bang nag-iinterview sa mga nag-aapply ng trabaho, sa office, nag-aayos ng files ng mga empleyado,"

"Ah, nice, office boy,"

May biglang nagtext sa akin kaya kinuha ko ang cellphone ko.

FROM: NIKA
Ate nasa'n ka? Hinahanap mo raw ako? Nandito na ako sa bahay, kakauwi ko lang. Hinahanap ka na rin ni Mee, umuwi ka na raw.

"Oh, ano hanap ka na sa inyo?" tanong niya.

"Oo," sagot ko naman.

"Tara!" pagyayaya niya.

"Ano'ng tara?" ihahatid niya ba ako? Whoa!

"Sasabay na ako, pupuntahan ko 'yong tita ko na malapit sa inyo,"

"Ah, gano'n? Sige, tara!" mukhang wala na akong magagawa kaya sabay na kaming umuwi.

Lumabas na kami sa Mcdo, sabi niya ay may dala raw s'yang kotse pero ayokong sumakay do'n kaya naglakad na lang kami.

"Taga saan ba 'yong tita mo?" tanong ko tapos sinabi niya 'yong lugar,

"Ah, malapit nga sa'min," tahimik kaming naglakad pauwi dahil medyo madilim na rin ang kalye kaya nagpakiramdaman na lang muna kami sa katahimikan.

"Ayon na 'yong sa amin," tinuro ko pa ang bahay namin.

"Saan d'yan?" naguluhan pa siya kaya itinuro ko uli.

"'Yong katabi no'ng malaking bahay, 'yong red ang gate," paglilinaw ko.

"Ah, sige, dito na 'ko liliko," pagpapaalam niya at umalis na.

"Sige," sabi ko naman at umuwi na rin.

-------

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon