JOAN
"Saan daw po siya pupunta?" tanong ko sa Tita ni Ken, naging close rin kasi ako sa kanya dahil siya ang kasama ni Ken sa bahay.
(Ang sinabi lang niya ay pupunta siya sa lugar kung saan hindi natin siya agad masusundan.)
"Po? Ano ba naman 'yang si Kenneth!" na-stress ako bigla sa puwedeng mangyari. Ang pasaway talaga ng isang 'yon!
(Joan, palagay ko, naka-inom ang batang 'yon, amoy alak no'ng umuwi kanina. Kumuha lang ng gamit tapos umalis na uli.)
"Sige po, tita," pagbaba ko ng phone ay sinubukan kong tawagan si Ken, kasi siyempre, baka kung ano'ng gawin ng isang 'yon sa sarili niya lalo na at nakainom pa.
Hindi naman sumasagot sa tawag kaya nag-isip na lang muna ako ng mga posibilidad at biglang pumasok sa isip ko 'yong mga sandali na mga bata pa kami ni Ken. Naglalaro ako noon ng manika nang biglang dumating si Kenneth na umiiyak.
"Oh, Ken, bakit ka naman umiiyak?" tanong ko.
"E kasi, pinagalitan ako ni Mama, nabasag ko kasi 'yong vase sa bahay," sabi niya no'ng tumahan.
"Ano ba kasing ginagawa mo?"
"E nagbabatuhang bola lang naman kami nina Yaya at Tita, ayon, 'di sinasadyang nasagi 'yong vase,"
"Ah, e bakit kasi sa loob ng bahay kayo nagbabatuhan? At nag-sorry ka na ba sa mommy mo, ha?"
"E kasi bawal daw lumabas e, oo, nag-sorry na ako p-pero nagalit pa rin s'ya," tumuloy na naman pag-agos ng luha mula sa mga mata ni Ken.
"Hayaan mo na, sabihin mo na lang na hindi mo na lang siya bati,"
"Ayoko nang umuwi,"
"Ha? Bakit?"
"Siguradong papagalitan lang uli niya ako e," sabi niya habang nagpapahid ng mga luha sa sando niya.
"Saan ka naman pupunta?"
"Sa lugar kung saan hindi niya ako agad masusundan,"
"At saan naman 'yon?"
"Sa Baguio,"
"E alam mo ba kung paano makapunta do'n, ha?" sabi ko habang nakahawak sa bewang.
"Hindi,"
"Paano ka pupunta?"
"Sasamahan mo 'ko,"
"Ayoko nga,"
"Bakit?"
"E wala ka namang pera, paano tayo pupunta?"
"E 'di, hihingi kay Mommy,"
"E 'di ba, siya nga ang lalayasan mo?"
"Oo nga 'no, Hay!"
"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng Mommy mo," sabi ko.
"Alam ko na kung nasaan si Kenneth!" sigaw ko nang maalala ang nakaraan.
"Saan?" tanong ni Cee.
"Sa Baguio,"
"Baguio?"
"Pupunta akong Baguio, ngayon na,"
"Nababaliw ka na ba, Mojow? Gabi na, at isa pa, hindi ka papayagan ng mga magulang mo," paalala ni Cee.
"Basta, kung kailangan magmakaawa ako para payagan nila ako, gagawin ko. Tara na sa bahay," sabi ko.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...