CHAPTER 9

639 5 0
                                    

JOAN

Birthday ko na next month. Eksaktong isang buwan mula ngayon 17 na ako. May dapat ba akong asahan? Maghahanda kaya o kakain na lang sa labas? May magbibigay kaya sa akin ng regalo? May surprise kaya para sa akin? Ang sarap mag-isip ng mga posibilidad pero mahirap umasa sa walang kasiguraduhan.

"Miss dela Vega? MISS DELA VEGA!" Sino ba 'yong maingay? Abala naman sa aking pag-iisip tapos napatingin ako sa harapan ko.

"Sir! Sir?" tanong ko naman dumb founded.

"Stand!" sigaw ni Sir na nag-echo sa buong klase, kinabahan naman ako bigla.

"Yes, Sir!" balik na sigaw ko sa kanya at tumayo na rin ako.

"Seems like you're daydreaming?" sabi ni Sir habang naglalakad-lakad sa room at may diin sa huling salita.

"N-no sir!" nabulol pa nga ako sa sobrang kaba.

"And, what do you think you're doing?" ah, ano Sir, thinking about the future, my future to be exact.

"Well, I'm just staring outside Sir, wondering if it's going to rain or not," sabi ko.

"Oh I see, so that means you're listening all throughout the lesson, am I right?" grabe si Sir! pass na lang muna Sir.

"Y-yes Sir" madadala ka Joan sa kalokohan mong 'yan. Magdusa ka!

"Well then, can you explain to us the topic on the board?" agad naman na lumipat ang mata ko sa board at binasa ko ang nakasulat.

"R-rock and rock formation," ano 'yan? Ay, naku po! New lesson 'to!

"Patay ka Joan, mahirap 'yan," bulong ng isa kong kaklase mula sa likuran.

"Sir... I..." at bigla na ngang tumunog ang school bell na nagsasabi na tapos na ang klase. Thank God, I am saved.

"Let's just continue this next meeting, goodbye class,"

"Good bye, Sir!" Sabi ng lahat at ako ay naiwan 'don nakatunganga.

"You are literally saved by the bell, Ms. dela Vega," sabi nya sa akin bago siya umalis.

"By the way Sir, sorr-" mahirap nang ma-badshot sa prof, hihingi na agad ako ng kapatawaran.

"Don't, save it for the next meeting," mataray niyang sabi at tuluyan na lumabas ng classroom.

"Yes, sir!" muntik na ako ro'n ah. Napahamak pa nga ako ng pag-iisip ko kanina. Nawala kasi sa isip ko na nasa klase nga pala ako. Mabuti na lang at niligtas ako ng school bell dahil kung hindi, napahiya na ako sa klase. Salamat nang marami school bell. Ikaw ang hero ko ngayong araw na 'to.

Ako na lang ang natira sa classroom kaya lumabas na rin ako at habang naglalakad sa corridor ay napatingin ako sa kalangitan. Nakababawas ng stress dahil napakaaliwalas. Sana maging ganito rin kaaliwalas ang lahat sa buhay ko. 

Gusto ko lang naman talagang maging masaya e. Meron talagang mga bagay na hindi gano'n kadaling baguhin at makamit at isa na ro'n ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko kasi mapatay-patay kahit para sa kanya, wala na. Sana dumating ang araw na mawala nang tuluyan para masabi kong okay na ako. 

Siyempre naman sa dami nang iniisip niya at pinoproblema ngayon, maiisingit ko pa ba ang tungkol sa nararamdaman ko? Oo, nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero kinakaya ko 'wag lang s'yang mawala sa buhay ko. Sabi nga ni Cee, tanga raw ako, tanga na ba agad kung nagmamahal ka lang naman?

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon